Kwitis numero unong sanhi ng firecracker-related injuries ngayong bagong taon

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kwitis numero unong sanhi ng firecracker-related injuries ngayong bagong taon

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Kwitis ang numero unong sanhi ng firecracker-related injuries sa naging selebrasyon ng Bagong Taon ngayon, ayon sa isang opisyal ng Department of Health.

Ani DOH Usec. Eric Tayag, nasa 45 ang nasugatan sa paggamit ng kwitis, habang 27 naman sa paggamit ng boga.

Umabot sa 211 umano ang kabuuang kaso ng firecracker-related injuries sa bansa pero paglilinaw niya, hindi pa tapos ang pagbibilang, dahil sa Enero 6 pa mailalahad ang kabuuang bilang ng mga nabiktima ng paputok.

Mas mataas ng 15 porsyento umano ang bilang ngayong taon kumpara noong nakaraang taon, kung saan 182 na mga kaso lang ang naitala. Pero, sa 5-year average, mababa ito ng 30%.

ADVERTISEMENT

Mula sa talaan ng DOH, 11 umano ang naputulan ng daliri dahil sa paputok.

Hinihikayat ni Tayag ang mga naputukan na magtungo sa ospital para magpabakuna ng anti-tetanus shots.—SRO, TeleRadyo, Enero 2, 2023

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.