Magnanakaw ng cellphone tiklo dahil sa GPS tracker
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magnanakaw ng cellphone tiklo dahil sa GPS tracker
Karen de Guzman,
ABS-CBN News
Published Jan 05, 2024 08:10 AM PHT

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

TONDO, MANILA— Arestado ang isang lalaki na sangkot umano sa panghahablot ng cellphone ng isang guro sa Tondo, Maynila nitong Miyerkoles.

Kita sa CCTV ang riding-in-tandem na tila may inaabangan sa may kanto ng Juan Luna Street corner Cavite Street bandang alas-8 ng gabi.

Target na pala ng mga ito ang isang guro na naglalakad pauwi, habang gamit ang kanyang cellphone.

“Nagte-text po siya. Ngayon merong riding-in-tandem na inagaw po ‘yung kanyang cellphone. Nag exert po siya ng effort na habulin ‘yung umagaw ng kanyang cellphone,” ayon kay PCpt. Jayson Viola, Chief Investigation and Intelligence Section ng Raxabago Police Station.

“Kinabukasan pa siya nakapag-report sa atin dahil natakot ‘yung ating biktima,” dagdag ni PCpt. Viola.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at natunton ang isa sa mga suspek gamit ang GPS tracker ng cellphone.

“Actually moving siya. Ngayon nung huminto siya sa may Victory Liner, pagbaba niya doon, tinuro ng complainant so ‘yung mga kapulisan natin agad-agad na nilapitan siya,” sabi ni PCpt. Viola.

Positibong itinuro ng biktima ang suspek na mismong tumangay sa kanyang gamit.

Narekober sa kanya ang ninakaw na cellphone na nagkakahalaga ng P80,000. Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang ginamit na motorsiklo.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na dati nang nahuli ang suspek sa kaparehong kaso noong Agosto 2023.

Depensa naman ng suspek, nagawa niya lang ito dala ng pangangailangan.

Pinaghahanap pa sa ngayon ng pulisya ang kanyang kasabwat na mahaharap din sa reklamong robbery snatching.