Mga estudyante, nagprotesta sa CHED dahil sa pagtaas ng matrikula

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga estudyante, nagprotesta sa CHED dahil sa pagtaas ng matrikula

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 08, 2017 03:14 PM PHT

Clipboard

Mga estudyante, nagprotesta sa CHED dahil sa pagtaas ng matrikula
iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Nagtipon-tipon sa tapat ng tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga estudyante para ipinawagan ang libreng edukasyon at ikondena ang pagtaas ng matrikula sa mga unibersidad.

Hindi natinag ng mahinang pag-ulan ang mga estudyante sa iba’t ibang unibersidad at nagkasa ng campout protest kagabi.

Bitbit ang kanilang placards, sabay sabay na isinisigaw ng mga estudyante na bigyan ng libreng edukasyon ang lahat ng antas at itigil na ang pagtaas ng matrikula.

Ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), sa kabila ng inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) at ng CHED na implementing rules and regulations o IRR ng free tuition policy para sa academic year 2017-2018, inaprubahan pa rin ng CHED ang pagtaas ng tuition sa 262 private higher education institutions habang 237 naman ang naaprubahan na magtaas ng kanilang other school fee (OSF).

ADVERTISEMENT

Giit pa ng grupo, pinapaboran lang nito ang mga capitalist-educators na sinisingil nang mahal ang mga estudyante.

Pahayag ng tagapagsalita ng NUSP na si Mark Vincent Lim, ''Patuloy na itinuturing na negosyo ang edukasyon at patuloy na ipinagkakait sa kabataan, kaya panawagan ngayon ng kabataan itigil ang paniningil ng matrikula."

--Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.