Palawan, isinailalim sa state of calamity dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Palawan, isinailalim sa state of calamity dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MAYNILA - Isinailalim na ang buong lalawigan ng Palawan sa state of calamity dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Winston Arzaga, chief ng public information office ng Palawan, umabot na sa 620 ang active COVID-19 cases sa Palawan nitong Miyerkoles.

“Mataas yan, although compared sa ibang probinsiya, mababa pa yan pero sa amin dangerous enough para sa amin. Kinakailangang matugunan ng pamahalaang probinsiya kaya nag declare ng emergency para sa ganun magamit namin ang aming calamity fund para matugunan ang pangangailangan natin,” sabi ni Arzaga.

Aniya, gagamitin ang pondo para pambili ng pagkain, antigen kits at dagdag na PPEs.

ADVERTISEMENT

“Food packs na kailangang ipreposition natin, yung additional antigen kits para sa ating frontliners na gagamitin sa mga border and then yung importante dito lalong mapablis yung paggawa ng molecular laboratory,” sabi niya.

Meron na aniyang molecular laboratory sa Puerto Princesa at nais pa nilang magtayo sa Coron at El Nido para mas mapabilis ang paglabas ng resulta ng mga dadalhin doong specimen.

Samantala, dumating naman nitong MIyerkoles ang 9,480 vials ng Sinovac na unang ibibigay sa mga munisipyong may mataas na kaso ng COVID-19.

Sa tala ng Palawan PIO nitong Miyerkoles, ang mga bayan na may mataas na bilang ng COVID-19 active cases ay ang mga sumusunod:

Roxas - 123
Bataraza - 93
Brooke's Point - 72
Coron - 68
Taytay - 61

- TeleRadyo 10 Hunyo 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.