ALAMIN: Paano makaiiwas sa QR code scams

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paano makaiiwas sa QR code scams

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Madalas ka bang mag-scan ng QR code para makipagtransaksyon ngayong pandemya?

Ayon sa isang eksperto, dapat mag-ingat dahil maaari ring gamitin ng mga scammer ang QR code para mangloko at magnakaw ng pera.

Ipinaliwanag ng tech editor na si Art Samaniego ang bagong paraan ng scamming na tinatawag na “quishing”, kung saan kapag ini-scan ang isang QR code ay magbubukas ang pekeng bersyon ng mga lehitimong website na hihingi ng sensitibong impormasyon tulad ng log-in details.

“Isang uri ito ng social engineering, ibig sabihin ang layunin nito lokohin ka, o utuin ka, o i-manipulate ka na magbigay ng impormasyon, yung personal information mo, at ang ultimate goal nito, para nakawan ka, para kunin yung pera mo,” sabi niya sa panayam ng TeleRadyo.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Samaniego, dapat suriin ng publiko ang website na pinupuntahan ng mga QR code na kanilang inii-scan, lalo na kapag ang mga nasabing QR code ay hindi galing sa mga opisyal na account ng mga bangko at kilalang kumpanya.

“'Pag nag-scan tayo ng QR code dapat tingnan natin kung saan papunta, o ano ang URL na pupunta[han]...'pag ini-scan mo ‘to,” ani Samaniego.

“Dapat tingan mo kung legitimate ba o tunay ba yung site na yun,” dagdag niya.

— TeleRadyo, 2 Agosto 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.