2 bar sa Makati, ipinasara dahil sa paglabag sa health protocols | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 bar sa Makati, ipinasara dahil sa paglabag sa health protocols

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Sep 01, 2021 06:49 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Dalawang bar sa Makati ang tuluyan nang ipinasara dahil sa paglabag umano sa mga health protocol Martes.

Nagpaskil na ng closure order sa pinto ng dalawang bar sa Barangay Poblacion.

Ayon sa Makati Business Permits and Licensing Office, lumabag sa mga health protocol at mga ordinansa gaya ng di pagsunod sa social distancing, curfew at pag-inom ng alak.

May mga natanggap kasing reklamo na nag-operate umano ang mga bar kahit na nasa ilalim ang lungsod sa Modified Enhanced Community Quarantine. Bawal kasi ang dine in, mass gathering at pag-inom ng alak habang nasa MECQ.

Ayon naman kay Police Colonel Harold Depositar, hepe ng Makati Police, sinalakay ng mga tauhan ng Substation 6 ang dalawang bar nitong madaling araw ng weekend. Ang isang bar ay sa may Kalayaan Avenue at ang isa pa ay sa Padre Burgos Avenue.

Patago aniya ang pag-operate ng mga bar at sarado ito mula sa labas, pero pagpasok ay puno pala ng mga tao. Nasa higit 50 ang natiketan sa isang bar at higit 80 naman sa isang bar, kabilang na ang ilang dayuhan.

Iginiit ng lokal na pamahalaan ng Makati na tuloy pa rin ang crackdown sa mga lalabag sa mga health protocol lalut mataas pa rin ang kaso ng COVID-19.

Paalala rin nila sa publiko na wag na lumabas ng bahay kung di naman kailangan.