Truck container nalaglag matapos sumabit sa overpass sa EDSA-Ortigas

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Truck container nalaglag matapos sumabit sa overpass sa EDSA-Ortigas

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MAYNILA – Hindi napansin ng driver ng isang trailer truck na sumabit at nalaglag na pala ang karga niyang container sa overpass sa EDSA-Ortigas.

Sa mismong intersection nangyari ang aksidente. Nayupi ang unahang bahagi ng 40-footer container van matapos mahulog ito sa trailer truck nang sumabit sa overpass.

Kwento ng driver ng trailer na si Carlos Saplad Jr., galing siyang San Juan City at papunta sanang Pasig City. Hindi niya napansing mababa pala ang overpass. Nasagi rin ng container ang traffic light kaya nasira ito.

Mabuti na lang hindi naman siya nasaktan, maging ang kanyang kasama. Nagpapasalamat din ito dahil walang nakasunod na sasakyan ng mahulog ang container kaya walang nadamay sa aksidente.

ADVERTISEMENT

Walang laman ang container dahil magpi-pick up pa lamang ito ng mga gamit sa Pasig.

Agad naman naitabi ng MMDA ang container kaya hindi ito nagdulot ng traffic sa lugar. Ayon sa MMDA, hindi naman accident prone ang lugar lalo't nasa tapat lang ito ng stoplight.

Papanagutin umano nila ang truck driver dahil sa pinsala sa traffic light.

Nagbabala naman ang ahensya na magdoble-ingat ang mga driver, lalo't kung malalaki nag dalang mga sasakyan na posibleng sumabit sa mga overpass, para makaiwas sa aksidente. - Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.