Comelec papayagan ang transfer, reactivation sa programang 'Register Anywhere'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Comelec papayagan ang transfer, reactivation sa programang 'Register Anywhere'

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 07, 2022 09:28 AM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MAYNILA – Plano nang isama ng Commission on Elections ang pagpapalipat ng rehistro at reactivation ng voter registration sa ilalim ng kanilang programang “Register Anywhere,” ayon sa isang opisyal.

“Plano po natin na isama na rin po yan, lahat po ng mga aspeto ng registration ay isasama na po natin. Hindi lang po dapat na register anywhere, kung hindi yung transfer of registration anywhere, reactivation of registration anywhere,” ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Kuwento ni Garcia, layunin nilang gawing madali ang pagpaparehistro para sa lahat ng mga Pilipino sa ilalim ng “Register Anywhere” scheme.

“Kung nasaan po kayo located, kahit hindi kayo doon nakatira pero nandoon kayo sa pagkakataong yan sa area na yan, tapos may registration, pwede na po kayong magparehistro doon,” aniya.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ng opisyal, wala na silang nakikitang legal na hadlang sa paglulunsad ng nasabing programa.

“Dati po kasi, alam niyo may mga legal considerations kasi, meron po kasi tayong umiiral na batas, yung tinatawag na (Republic Act) 8189, Continuing Registration Law. Kinakailangan kasi, yung mismong pagpaparehistro ay gagawin sa opisina ng local Comelec, at the same time sabi may kinakailangan may mga observers mula sa political parties o kung sino mang interesado na magkuwestiyon doon sa pagpaparehistro ng ating mga botante.”

“Subalit sinabi nga natin, madami namang paraan sa interpretasyon ng probisyon ng batas na yan, ang importante, yung mismong mga magpaparehistro hindi naman automatically Sir na sila ay registered kaagad,” aniya.

Paliwanag ng opisyal, daraan pa rin election registration board hearing ang pag-apruba sa mga nagprehistro sa ilalim ng “Register Anywhere” scheme.

“Doon po may pagkakataon naman, na ma-object, na-oppose ng kahit na sino yung pagagaprehistro ng kahit na sino rin na applicant as a voter,” aniya.

--TeleRadyo, 7 Oktubre 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.