Paulo Avelino talks about his breakout role in 'Walang Hanggan'
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paulo Avelino talks about his breakout role in 'Walang Hanggan'
Krissa Donida
Published Jul 19, 2012 05:24 PM PHT

Sa ginanap na thanksgiving party para sa
Walang Hanggan
, nakausap namin ang isa sa mga hottest leading stars nito na si Paulo Avelino. Napag-usapan ang tinatamasang tagumpay ng serye at ang pagiging kabilang niya sa tagumpay na ito.
“Very happy and very honored,
bibihira din siguro na mangyari ang ganito sa mga bagong artista tulad ko at nagpapasalamat ako at nabigyan ako ng pagkakataon makatrabaho yung mga stars na kasama sa Walang Hanggan.
” Ayon pa kay Paulo, ang samahan nila sa
Walang Hanggan
magmula sa staff, crew at silang mga artista ay parang isang malaking pamilya. “
Nagtutulungan kami lagi.
”
Bilang ang malalim na karakter na si Nathan Montenegro, nagbiro ang aktor kung paano siya nabago nito. “
Ayun baliw na rin ako
.” Pero ayon naman kay Paulo, hindi matatawaran na malaking pagkakataon na naibigay sa kanya. “
Ang dami kong natutunan sa Walang Hanggan.
I think more on
nakatulong yun
on my craft
kasi
I am working with the best.
Kumbaga
I am working with two of the best directors, I am working with actors and actresses
na napakagaling
and I am learning so much.
Kahit hanggang ngayon pag nakakaeksena ko sila natututo pa rin ako
I am learning so much,
napapa
-wow
pa rin ako
.”
Nang naibigay din kay Paulo ang proyektong ito, nakita niya itong pagkakataon para ma-challenge siya sa kanyang pag-arte at para makasama din ang ilan sa mga pinakamagaling na mga artista at matuto sa kanila. “Actually
kumbaga naisip ko na din na
challenge
na rin sa akin kasi makakatrabaho ko yung mga taong gutso kong makatrabaho talaga. Kumbaga kailangan kong pagsipagin na pag-aralin, kailangan kong mag
-effort
para sa
role
para di ako mapahiya sa kanila. Nung binigay naman sa akin ‘di na rin ako nagdalawang isip kasi minsan lang mabigyan ng pagkakataon na ganito
.”
Marami ang nagsasabing kakaiba ang kanyang ginagampanang karakter kaya natanong kung ano kanyang nagiging motivation. “
Hugot e
, your really need to be inside the box of your character. You need to move around there
kasi
very unusual
kasi yung
role
na binigay sa akin
.
Hindi rin siya ganun kadaling gawin
very
mabilis yung pag-
shift
ng
emotions.
Malalim, malalim.
”
Madalas sa mga artista nahihirapan silang kumawala sa kanilang mga ginagampanang karakter pero kay Paulo sinisiguro niyang naiiwan ang kanyang karakter pagkasigaw ng “cut.” “
Pero siguro pagkaalis na lang ng
set
binu
brush off
ko na
.”
Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT