Coco Martin talks about his new series, 'Juan dela Cruz'
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Coco Martin talks about his new series, 'Juan dela Cruz'
Krissa Donida
Published Jan 30, 2013 06:39 PM PHT

Sa pagharap ni Coco Martin sa press para sa kanyang pinakabagong proyekto na Juan dela Cruz, masayang ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa paggawa ng pinakauna niyang fantaserye. “Napaka-chalenging po ng ginagampanan ko. Ito po ang Juan dela Cruz, ang soap opera na ginagawa ko. Kasi sabi ko nga nasanay ako sa mga heavy drama na serye o pelikula. Ito ngayon, gagawa ako ng isang fantasy para sa mga bata. Ginagampanan ko ang isang ordinaryong tao o Pilipino na may hinahanap siya sa buhay niya, kasi hindi niya alam kung saan siya nagmula at kung ano yung pagkatao niya o pinanggalingan niya.”
Inilarawan din ni Coco ang magiging pagsubok ng kanyang karakter. “Sabi nga nila itong fantasy na ito, ang kalaban niya mga aswang. Sa bawat tao nga, sabi nga natin ‘di ba iba’t-iba ang kahulugan ng pagiging aswang? Merong aswang na monster, merong aswang na masamang tao. At sabi nga nila sa bawat pagakatao ng isang tao may aswang tayo sa ating mga katawan. Ibig sabihin meron tayong good at bad side at yun yung dilemma ng pagkatao ni Juan dela Cruz.”

Noon pa man ay pangarap na ni Coco na gumawa ng isang seryeng pambata, lalo pa at isa din siyang tagahanga ng ilan sa mga Pinoy superheroes. Aniya, “Sabi ko nga ang bawat bata dumaan diyan na nangangarap na balang araw maging super hero ka. ‘Di ba nung mga bata tayo nanonood tayo ng mga Superman, Batman ‘di ba? Nung bata ako nanonood ako ng Captain Barbell.”

Sa katunayan para sa fantaseryeng ito, tutok si Coco hindi lang sa ginagampanan niyang karakter kung ‘di pati sa pagbuo ng istorya nito. Isa rin siya sa mga creative consultant ng programa. “Sa bawat poyekto naman po na ginagawa ko, pelikula o soap gusto ko po, involved po ako sa mga proyektong ginagawa ko para magampanan ko po ng tama yung mga proyektong ginagawa ko. Kumbaga hindi na kailangang i-motivate pa sa akin yung eksena o i-explain pa sa akin yung script. Gusto ko pag dumating ako mismo sa set alam ko yung takbo ng kwento, alam na alam ko yung characterization ko.”

Ngunit inamin ni Coco na hindi na siya masusing nakapag-aral ng ilan sa kinakailangang stunts niya sa fantaserye, tulad ng paggamit ng espada, latigo, sibat at pana. Ayon sa kanya, nagahol na sila sa oras para maglaan ng panahon dito. “Actually hindi po ako nagkaroon ng enough time na mag-aral para sa espada, sa latigo, sa sibat kasi halos dire-diretso po ang trabaho ko. Pagkatapos ng Walang Hanggan, sinimulan yung pelikula namin ni Julia (Montes) hanggang inabot na po siya ng start ng Juan dela Cruz. Sabi ko nga almost everyday nagwo-work pero siguro bilang artista minsan sinasabi ko bahala na, iaacting ko na lang yan. Kumbaga imo-motivate ko na lang yung sarili ko sa character at kapag naririning ko na yung action, kahit hindi ko pa siya alam gawin, parang nagkakaroon ng magic na nagagawa ko yung isang bagay. Katulad po ng teaser, akala nila nag-train talaga ako para humawak ng espada, ng latigo pero ang totoo dun ko lang po siya prinactice habang shinoshoot yung teaser.”

Kahit na isang action fantaserye ang pinakabagong proyekto na ito ni Coco, itinatanggi niyang isa na siyang action star. “Hindi naman, kumbaga sabi ko nga kahit anong role ang binibigay sa akin, basta naniniwala ako at gusto ko yung proyekto handa po akong gawin. At ngayon ngang nasa action ako, nasa fantasy, nagpapasalamat ako kasi nabigyan ako ng pagkakataon gampanan ang ganitong klaseng role.”

Kaya naman sa pagkakaiba at pagkakapareho ni Coco sa kanyang ginagampanang karakter na si Juan dela Cruz, ang nasabi ng award-winning actor, “Si Juan dela Cruz sabi ko nga isa siyang ordinaryong tao. Si Juan dela Cruz nga sinisimbolo niya ang bawat Pilipino at para sa akin kaparehong-kapareho ko siya. Kasi nung binubuo talaga yung konsepto ng Juan dela Cruz, kinonsider din po ako ng mga writers, ng Creative (department) kung ano yung pagkatao ko bilang Coco. Kumbaga humugot kami dun characterization. Ako honestly, hindi ako sobrang bait na to, hindi rin ako sobrang masama. Sabi ko nga bawat tao may aswang tayo sa bawat pagkatao natin. Nagkakamali tayo, natututo tayo, kino-correct natin yung mga pagkakamali natin sa buhay kumbaga, yun yung mga pagkakapareho namin ni Juan dela Cruz.

“Pagkakaiba? Siguro ang pagkakaiba namin ni Juan dela Cruz yung pinagsimulan. Siya talaga hindi niya alam yung pagakatao niya, kung sino yung mga magulang niya. E ako naman po kasi napalaki po ako ng lola ko, well-guided po at pareho din po kami ng character dito kasi pinalaki din siya ng lola niya dito.”

Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT