John Lloyd Cruz admits he is 'confident' about upcoming movie with Sarah Geronimo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

John Lloyd Cruz admits he is 'confident' about upcoming movie with Sarah Geronimo

Bernie Franco

Clipboard

032513-jlc_main.jpg
Sa The Buzz kahapon, ikinuwento ni John Lloyd Cruz na kapag gumagawa ng pelikula, ito ay matrabaho. Pagkatapos gawin ang pelikula ay ipo-promote ito. Gayunpaman, sa bago nilang pelikula ni Sarah Geronimo na It Takes A Man And A Woman na third installment ng ng pelikulang A Very Special Love noong 2008, parang hindi raw trabaho ang pakiramdam.

'You look forward to promoting, showing, kung paano siya tatanggapin ng tao,' paliwanag ng aktor na kasama rin si Sarah sa The Buzz kahapon, Marso 24.
Hindi rin nagdalawang-isip si John Lloyd na sabihing may kumpiyansa siya sa pelikulang ito. 'Medyo confident, medyo may eksaktong amount ng confidence because we have a good movie to offer,' pag-amin niya. Ang dalawang prequels ng pelikula, ang A Very Special Love at You Changed My Life na tumatalakay sa love story nina Migui Montenegro (John Lloyd) at Laida Magtalas (Sarah) ay parehong certified box-office hits.

'Yun nga lang, unlike their previous movies together, this time ay walang premiere night ang It Takes A Man And A Woman dahil tumapat ito sa Black Saturday, March 30. 'Nakakalungkot nga wala kaming premiere night,' pakli ng aktor. 'Nataon tayo sa Holy Week. Paggalang na rin lang.' Sabay kabig niya ng, 'Idaan na lang natin sa block screening para masaya.'

Sa puntong iyon ay sinabi ng The Buzz host na si Boy Abunda na kinilig siya nang mapanood ng trailer ng pelikula, na sinegundahan naman ni Sarah at sinabing noong binabasa pa lang niya ang script ay kinikilig na siya.
Hindi na rin pinalagpas ni John Lloyd ang pagkakataon para magpaliwanag hinggil sa pagiging emosyunal niya noong nakaraang Linggo, March 17 sa press conference ng movie at sa The Buzz episode.

'Kakatapos lang namin no'n (na mag-shoot sa pelikula). Gusto ko lang ipaliwanag... ang hirap lang kasi bumitaw because ito ang characters na nag-exist sa mundo namin, sa mundo ko, for the past several years and it's not easy saying goodbye. So 'yun lang naman po 'yon.

Hindi ako aalis ng showbiz, wala pong matatapos. I just wanted to explain kung bakit ako naging emotional,' pahayag ni John Lloyd dahil pagkatapos ng interview sa kanya last week ay may mga naisulat na istorya hinggil sa pagnanais niya ng 'early retirement.'

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.