Jason Abalos admits he's thinking about settling down
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jason Abalos admits he's thinking about settling down
Leo Bukas
Published Jan 08, 2015 10:15 AM PHT

Ikino-consider na rin pala ni Jason Abalos, who is playing the role of Victor in the teleserye Two Wives, ang paglagay sa tahimik o pagpapakasal. At ang masuwerteng babae na gusto na niyang makasama habang buhay ay ang girlfriend na dating PBB housemate na si Vickie Rushton.
“I’m really praying na siya na talaga. Gusto kong siya na nga,” nakangiti niyang kuweto sa amin.

“Hindi na rin naman ako bumabata. Saka ayoko na yung paiba-iba pa. Gusto ko, yung kung sino na yung nandiyan, na siyempre mahal ko naman, do’n na ako magpapakasal. Pero ngayon, wala pa. Pinagdarasal ko pa lang… Pero sana nga siya na,” patuloy pa niya.

Ibinalita rin ng aktor na nakapag-invest na siya ng sariling bahay somewhere in Quezon City pero ayaw niyang banggitin ang exact location nito. Mayroong limang bedroom ang bahay. Kasama na rito ang guest room at servant’s quarter.

“Doon lahat napupunta ang pinagpupuyatan ko sa Two Wives. Bale last 2013 pa ‘yon, two years na ngayon (2015). January ko rin yon kinuha. Pero 15 years ko pa yon babayaran… Kapag nagkakaroon ako ng buhos na pera, ibinabayad ko kaagad para makabawas sa interes,” patuloy niyang kuwento.

Jason also shares na nami-miss na rin niya ang paggawa ng indie film tulad ng Endo kung saan nanalo siyang best actor sa Gawad Urian ilang taon na ang nakakaraan.

“Oo, nakaka-miss mag-indie. Pero ganu’n talaga, eh. Minsan tsamba-tsamba din. May mga magagandang proyekto na hindi bagay sa ‘yo, may proyekto na bagay sa 'yo pero hindi naman nakukuna... Ano talaga, suwertehan din.”

May reaksyon din si Jason sa muling pagkukumpara sa kanya sa acting ni Jericho Rosales sa The Legal Wife where he played the role of Adrian.
“Sobrang idol ko si Jericho… Hindi naman siguro nila kinu-compare… Kumbaga, si Echo bago pa ako mag-artista, andiyan na ‘yan eh, magaling na ‘yan kasi napakanatural umarte ni Echo, eh.

“Minsan nga, pag nakita ko yung ginagawa ni Echo, ginagawa ko rin,” pag-amin pa niya.

“Ano kasi, sa totoo lang, nahihirapan ako sa role ko. Ang complex, na parang… Ang kalaban ko kasi (Two Wives) dito mga babae, ang laging kong kakomprontasyon mga babae, kaya yung atake mo, hindi puwedeng… kasi babae, kung paaano ka magagalit sa kanila… kahit naman gaano ka kasama, ang lagi mong kalaban nanay mo at iba pa rin talaga dapat yung intensity ng galit na pakakawalan mo sa babae kumpara sa lalaki… As an actor, kahit anong komprontasyon mo sa babae, dapat under ka pa rin…

“Si Kaye, sobrang galing… ilang taon na rin siya sa showbiz eh… lahat naman ng taga-Tabing Ilog magagaling, eh…” pagdedetalye ng aktor.

Naibahagi rin ni Jason ang tungkol sa pagiging public servant ng mahal niyang tatay na si Engr. Esmeraldo Abalos sa lugar nila sa Pantabangan, Nueva Ecija.

“Si Papa ayaw nang magtrabaho kasi tuwang-tuwa siya sa pagiging kapitan, unang term pa lang niya. Sabi niya sa amin, ‘okay na ‘yan, hndi na ako magtratrabaho, nagawa ko na yung obligasyon ko sa inyo…’ siguro gusto niya talagang ano… maging tatay lang ng lahat.

“Napa-graduate naman niya kaming lahat kaya hindi na rin siya nagwo-worry. Actually, walang ngang sinusuweldo ‘yon, eh, humihingi pa nga sa akin ng pera. Ha-ha-ha!

“Pero sobrang bilib ako sa tatay ko kasi naigapang niya ng pag-aaral naming magkakapatid... I want to be like him kapag nag-asawa na ako at naging tatay na,” sabi pa ni Jason.

Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT