Slapshock teams up with apl.de.ap for ‘The Crown’

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Slapshock teams up with apl.de.ap for ‘The Crown’

Jeff Fernando

Clipboard

032115-slap_main.jpgProud ang Slapshock band members na sina Jamir Garcia, Lean Ansing, Jerry Basco, Lee Nadela at Chi Evora sa launching ng kanilang bagong single na “The Crown.” Ito ang second song mula sa kanilang Night Owls album.


Ayon sa kanilang vocalist na si Jamir, nakasama nila si apl.de.ap sa single na ito at sa music video ng “The Crown.”


We’re very excited of course na ginawa naming ito to be working with Apl at sa kanilang lahat. Maraming masayang bagay na pangarap lang namin na mangyari ang nagawa namin. Released na po ang single namin na ‘The Crown’ and we also came up with a video. This single is included in our album.”


Socially relevant ang kanilang latest single na tumatalakay sa corruption at kahirapan sa Pilipinas. Sa Tondo nag-shooting ang music video at sinama nila doon si Apl.

“The video was shot in Tondo so dinala namin doon si Apl. It talks about corruption in the Philippines, talks about poverty. It’s something that we haven’t done in a while na talagang may conscious effort na gawin ito at excited kami kasi ang galing dahil nagkasama namin si Apl dito, ang galing galing.”

Matagal ng plano ng grupo na mag-record ng kantang may laman at mensahe sa lipunan at thankful sila na natupad na ito ngayon.

It’s about people who stays in power and they will do everything to hold on to that power to that crown kahit na ang mga natatamaan na ang mahihirap at lumalala na ang poverty sa Pilipinas. Alam naman natin iyun. It’s how it is in the Philippines so ito na yun kanta na namin para sa issue na yan.”

Ipinagmalaki ng Slapshock na marami silang bagong natutunan at nabigyan sila ng pagkakataon na mabigyan ng break sa international scene dahil sa Boom Box Records ni Apl.

This is the best sounding Slapshock album at marami producers ang tumulong sa amin para buuin ito and of course, Boom Box Records na record label ni Apl is good enough to fly us to LA and record there for a month. It’s very inspiring kasi marami kami natutunan from the pros na producers doon.”

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.