Coco Martin and Ejay Falcon undergo immersion as SAF officers for MMK

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Coco Martin and Ejay Falcon undergo immersion as SAF officers for MMK

Jeff Fernando

Clipboard

040815-ejay_main.jpgHindi napigil ng mainit na sikat ng araw sina Coco Martin at Ejay Falcon sa kanilang unang araw ng immersion bilang Special Action Force o SAF na gagampanan nilang papel sa isang espesyal na episode para sa Maalaala Mo Kaya.


Sa Fort Santo Domingo sa Sta. Rosa, Laguna naganap ang immersion nina Coco at Ejay.


Para kay Coco isa itong bagong hamon sa kanyang takento bilang actor.


'Ngayon nago-observe kami dito kasama ng mga SAF kanina nag-firing kami. Lahat ng mga drill na ginagawa nila dito, ipapagawa na sa amin.'


Magandang preparation daw ito ayon naman kay Ejay para kapag sa actual taping nila ng episode, gamay na nila ang kanilang role.

'Observation pinanood namin ang mga ginagawa ng mga commandos para kapag nag shooting na kami alam namin kung paano sila kumilos.'


Kasama nila Coco sa kanilang immersion ang ilang SAF Officers at in between ng kanilang immersion ay nakipag-bonding ang mga ito sa kanila.


Kuwento ni Coco na mas napahanga siya sa dedikasyon sa trabaho ng kanyang mga nakilala.


'Yung dedikasyon, yung pagmamahal sa bayan, yung para sa future na nakikita nila ba lahat ito para sa kinabukasan ng pamilya nila at ng mga anak nila.'


Mas lumalim at tumaas ang pagtingin ni Ejay sa mga naka-bonding niyang SAF officers.


'Sobrang bilib ako sa kanila. Mabuti na nakita namin ngayon kung paano ang buhay nila dito ang taas ng pagtingin ko sa kanila.'



040815-ejay_main.jpgSa Huwebes sasabak muli sa training sina Coco at Ejay. Physical training na daw ang gagawin nila kaya’t mas mahirap ito kaysa sa unang araw na ginawa nila.


Para kay Coco parte ito ng kanilang trabaho para makabuo ng isang magandang episode.


'Ayaw namin ng acting lang. Gusto namin na maramdaman ang hirap na pinagdadaanan ng mga kasamahan natin dito at gusto rin natin iparating sa manonood na hindi ganun kadali ang buhay nila.'


Kasama rin sa MMK episode na ito si Angel Locsin. Plano ipalabas ang episode na ito sa unang Sabado ng Mayo.


Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.