Viva Entertainment has no plans of halting Bituin Walang Ningning the Musical’s run

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Viva Entertainment has no plans of halting Bituin Walang Ningning the Musical’s run

Jeff Fernando

Clipboard

062415-bituin_main.jpgBiglaan na nagpatawag ng media conference ang Viva Communications na siya ring co-producer ng on going stage musical na “Bituing Walang Ningning” sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Ito ay dahil sa nagpadala ng cease and desist letter ang Kapunan Law office na kinakatawan ang kanilang client, ang aktres na si Cherie Gil na nagsasabi na dapat ay mapasama siya sa bibigyan ng acknowledgement dahil siya ang nakaisip ng famous at iconic line sa pelikulang “Bituing Walang Ningning” na ipinalabas noong 1985. Si Cherie Gil ang original na gumanap as Lavinia Arguelles na kontrabida sa kuwento.


Magkasabay na humarap at nagpa interview ang legal counsel ng Viva na si Atty. Heather Annang at Director Emmanuel ‘Maning’ Borlaza, na siyang director ng “Bituing Walang Ningning” na pelikula.


Paliwanag ni Atty Annang, pag aari ng Viva ang iconic lines na ito at considered na itong kasama sa script at pelikula na ang rights ay nasa ilalim ng Viva.


Wala daw plano ang Viva na itigil ang pagtatanghal ng “Bituing Walang Ningning The Musical” na mapapanood hanggang July at nasa ikalawang linggo pa lang nitong pagpapalabas sa ngayon.


Kuwento naman ni Direk Borlaza, original na isinulat ng screen writer na si Orlando Nadres ang screenplay ng Bituing Walang Ningning mula sa komiks serial novel ni Nerissa Cabral.


Hindi daw kuntento ang Viva big boss na si Vic Del Rosario at nakukulangan sa malulutong na linya na noon ay usong uso sa at inaabangan ng mga manonood kaya’t kinuha ang services ni Borlaza para dagdagan ng anghang at palitan ang ending ng story na siyang napanood natin sa iconic film. Kasama na sa kanyang idinagdag ang mga linyang pinag aagawan ngayon na “You’re nothing but a second rate, trying hard, copy cat!”


Hindi natapos idirek ni Borlaza ang pelikula dahil sa kanyang kalusugan kaya’t tinapos ito ni Direk Leroy Salvador.

Nagbigay reaksyon na rin ang present Lavinia na si Cris Villonco at sinabi nito na aware siya sa issue at anu man ang kalabasan ng kuwento ay publicity pa rin ito para sa kanilang production.


Walang plano na magpa interview sa ngayon si Cherie Gil at pagkatapos na lang daw ng run ng musical siya magsasalita tungkol sa issue.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.