Kiray on being the ‘hottest leading lady’: ‘Siyempre, etchos lang yon ni Kuya Derek’
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kiray on being the ‘hottest leading lady’: ‘Siyempre, etchos lang yon ni Kuya Derek’
Leo Bukas
Published Feb 05, 2016 05:08 PM PHT

Bukod kay Derek Ramsay na kapareha ni Kiray sa romcom na Love Is Blind, gustung-gusto rin pala ng komedyana na makatrabaho si Sam Milby dahil crush niya ito.
“Actually, dapat kasama ako sa movie na PreNup. Sobrang saya ko non kasi ang crush ko talaga sa showbiz ay si Sam Milby. Kapatid ako dapat ni Jennylyn, kaso nag-text sa akin ang Regal, sabi sa akin, hindi na matutuloy.

“Sobrang saya ko na no’n. Tapos do’n na lang daw ako kay Derek, si Derek na raw yung makakasama ko. Sabi ko, ano ba yan?

“Kasi never ko pang nakakatrabaho si Sam. I really don’t know him in person. Yung pantasya ko si Sam, pero iba ring katrabaho si Kuya (Derek). Saka sobrang galing niya talagang umarte, sobra,” she said.

Kasama rin sa Love Is Blind ang napakagandang si Solenn Heussaff. Hindi ba siya nainggit sa ganda nito?

“Tanggap ko na yung height ko ever since. So, wala, wala namang inggit,” confident niyang sagot.

Eh, ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ni Derek na she is the hottest leading lady ngayon?

“Siyempre, etchos niya lang yon. Hahaha! Magpakatotoo naman tayo, ‘no?” diretsong sagot niya sabay tawa nang malakas.

“Dyusko, nakasama na niya si Anne Curtis, hindi pa ba hot yon? Teka lang naman. Hahaha!” sagot pa niya.

Inamin naman ni Kiray na nahiya siya nu’ng magsuot siya ng bathing suit sa eksena nila ni Derek sa Love Is Blind.

“Nahiya ako kasi first time ko yon. Yung malaki talaga sa akin is yung puwet ko, hindi kasi ako sanay na nagsu-swimsuit pag nagbi-beach.

“Sinanay ako ng mama ko na shorts ang suot, palda, ganu’n. So, dahil nga kailangan namin ng pera, sabi ni mama, ‘Go!’ Pumayag na yung nanay ko... talaga nga naman.

“Kasi naiilang po ako ‘pag tinitingnan na yung pababa (ng katawan), so pakiramdam ko parang... Pero nag-diet naman ako nung time na yon,” kuwento pa niya.

Eh, what if offer-an siyang mag-pose sa FHM?

“Grabe!” reaksyon niya na tila hindi makapaniwala.

“Ano to? Hindi pa kaya ng katawan ko. Nu’ng bata dream ko yon kasi bata pa ako no’n, gaga pa ako noon. Hahaha!

“Iniisip ko na rin siyempre for my own sake. Wow, talagang may ganu’n? Kasi hindi pa ready yung katawan ko, wala pa akong abs. Wala rin akong boobs at hindi ako magpapalagay.

“Magiging ready ako siguro kapag tumangkad pa ako ng konti na imposibleng mangyari. Kaya hindi na. Malabo na,” sey pa niya.

Eh, what if pilitin siya ng FHM?
Eh, what if pilitin siya ng FHM?
“Well, let’s see,” natatawa na naman niyang reaksyon.

“Tingnan natin kung papayag yung mga madreng nagpaaral sa akin. Nag-aral ako sa St. Paul, pinag-aral nila ako nu’ng Prep ako hanggang matapos yung Grade 6.

“So ngayon, yung isa wala na. Yung isa naman buhay pa, so hindi pupuwede mag-ganu’n. Ngayon na medyo malabo na yung mata niya, hindi talaga yon papayag sa mga kissing scene kaya hindi niya talaga alam yung ginawa ko (sa pelikula),” seryosong pagtatapos ni Kiray.

Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT