Director Mark Meily shares “Elemento” is based on his own son’s supernatural experience
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Director Mark Meily shares “Elemento” is based on his own son’s supernatural experience
Leo Bukas
Published Apr 04, 2016 08:58 AM PHT

First horror movie pala ni Direk Mark Meily ang Elemento na prinodyus ng Viva Films at ipalalabas na sa April 6. Base ang script ng pelikula, na siya rin ang sumulat, sa supernatural experiences ng kanyang sariling anak.
Si Direk Mark ay nakilala sa kanyang mga obrang Crying Ladies, La Vida Loca, Baler at El Presidente. Ano ba ang naging challenge niya sa pag gawa ng isang horror movie?

“Yung challenge dito ay maging horror movie siya na kakaiba sa ibang horror movie na napapanood natin. Kasi for the past, karamihan sa horror movies na napapanood ko, ang anggulo lagi is retribution, na kaya may nagmumulto kasi merong injustice na nangyari – may napatay, may nagahasa, merong niloko – usually ganu’n, parang paghihiganti lagi,” simula niyang pahayag sa Push.com.ph.

Dagdag pa niya, “Pag tiningnan mo ang Asian horror genre sa Japan, sa Korea sa Thailand, iba actually, it’s not always like that. Iba ang perception.

“May mga bagay na nakakatakot na nangyayari sa atin hindi dahil sa may gustong gumanti sa atin. Hindi rin dahil meron tayong ginawang masama o may gustong maghiganti sa atin. Kumbaga, nangyayari lang siya, so, parang ganu’n yung kuwento nitong Elemento.”

Idinetalye ng director ang nangyari sa anak niya sa isang eskuwelahan na pinagbasehan niya ng kuwento ng kanyang pelikula.

Ayon sa kanya, “Twenty-five years old na yung anak ko ngayon, nangyari ito 19 years ago, 5 years old siya non. Pinasok namin siya sa isang school na bago yung methods ng pagtuturo, may pagka-new age. So instead of praying, nagme-meditate sila.

“Yung school na yon ay nasa Rolling Hills sa New Manila na maraming puno ng balete. Nag-i-enjoy siyang pumasok don sa school every day. Isang malaking bahay yon na may malaking garden so do’n sila palagi.

“Until after a month, ayaw na niyang pumasok. So, gumagawa siya ng kung anu-anong ng excuse so kinausap ko siya kung bakit ayaw niyang pumasok sa school. Sabi niya, ‘Dad, merong maliliit na maiitim na tao na gusto akog kunin at sumama sa kanila.’

Patuloy pa niya, “So nu’ng una, nakikipaglaro lang daw sa kanya,pero nung tumatagal gusto na siyang isama. So, nakakatakot para sa isang magulang na yung anak mo, may gustong kumuha sa kanya, di ba?

“Nakikita raw niya yung maliliit ng tao sa likod ng swing na gulong. Sa likod kasi no’n may puno ng balete. Consistent yung kuwento niya,” pagtatapat ng director.

Pagkatapos daw nilang kausapin ang teacher ng school at ikuwento ang nangyari ay inalis na nila sa naturang eskuwelahan ang anak.

“And this is something that I would like to emphasize sa movie, na may mga bagay na dahi l sa hindi natin nakikita ibig sabihin hindi sila totoo o hindi sila nag-i-exist,” paliwanag niya tungkol sa premise ng kanyang pelikula na pinagbibidahan ni Cristine Reyes at Albert Silos.

Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT