Leo Martinez asks all Filipinos to support the new presidency | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Leo Martinez asks all Filipinos to support the new presidency

Leo Bukas
Published Jun 07, 2016 04:51 PM PHT

Nanawagan ng suporta at pagkakaisa ang beteranong actor na si Leo Martinez sa sambayanan para sa administrasyon ni president-elect Rodrigo Duterte kahit pa hindi ito ang ibinoto nila noong nakaraang eleksyon.
“Kung sinoman ang napili nila o napili natin, suportahan natin kasi binoto natin sila. Hindi tama yung binoto natin sila tapos tayo din ang mauuna pang mambatikos,” pahayag niya sa Push.com.ph.

Malaki rin daw ang paniwala niya na may magagawang mabuti ang Duterte admistration sa mga tao.

“I have high hopes because we will support the next president, the vice president and everybody… Tapos na ang eleksyon, magkaisa na tayo. Huwag na tayong… yon nga ang problema natin, eh, every six years bangayan tayo nang bangayan because of our constitution, we are always going through an election,” dagdag pahayag pa niya.

Nakausap ng Push.com.ph si Leo sa story conference ng BG Productions International para sa first horror project nilang The Smell of Fear na ang Italian director na si Paolo Bertola ang magdidirek. Leo will play a very important role in the film.

Ayon pa kay Leo, nasa mga Pilipino mismo ang problema kung bakit hindi tayo umuunlad.

“Ang problema ng Pilipino ay hindi komunismo, hindi militarismo at hindi Amerikanismo kundi tayo mismo. Bakit? Tatlumpong taon na pagkatapos ng people power, limang presidente na ang nakaraan, wala pa ring nangyayari sa atin.

“Tayo naman ang pumili ng mga presidente. Pagkatapos ang pinili natin, sisiraan natin, tayo din ang nangungunang siraan. Eh, di tayo ang may problema.

“Ang essence ng democracy, pagkatapos ng eleksyon, dapat susuportahan natin lahat ng mga nanalo. Ay anak ng pu__, hindi pa nag-uumpisa ay kanya-kanya na tayong batikos sa lahat mga pumasok mula sa presidente hanggang sa… binabatikos na natin. Eh, paano tayo uunlad niyan?

“Kaya nga sabi ko, tingnan natin kasi tayo mismo ang may problema. Isa pa, in five years time, hindi natin nare-realize we will be 500 years old. 1521 nu’ng na-discover ang Pilipinas. 2021 na in five years time pero wala pa ring nangyayari sa atin. Kaya dapat mag-ayus-ayos na tayo at nakakahiya na sa mga bata,” litanya pa niya.

Mas dapat daw na gumawa na lang ang mga Pilipino ng pupuwedeng ipagmalaki sa mundo sa halip na magsiraan.

“Gumawa naman tayo ng project na magkakasama tayo para sa ikabubuti ng bayan kagaya ng mga ipinagmamalaki sa lugar natin. Hindi yung ipinagsisigawan pa natin yung mga mali sa ating society. Now is the time to talk about what we are proud of as Filipinos,” sambit ulit niya.

Binoto ba niya si Duterte bilang presidente noong May 9?

“Hindi! Wala akong ibinotong presidente. Sa akin, walang umabot sa parang standard na gusto ko!” pag-amin ng magaling na aktor.

Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT