After ‘Ang Panday’, does Coco Martin want to create more movies?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

After ‘Ang Panday’, does Coco Martin want to create more movies?

Kiko Escuadro

Clipboard

All set at excited na ang tinaguriang ‘Idolo ng Masa’ na si Coco Martin para sa nalalapit na pagbubukas ng 2017 Metro Manila Film Festival.

Isa si Coco sa mga mapapanuod ngayong kapaskuhan para sa pelikulang Ang Panday na orihinal na pinagbidahan ng nag-iisang ‘Da King’ Fernando Poe Jr.

Naging puspusan ang paghahanda ni Coco para mapaganda itong proyekto dahil bukod sa pagiging bida ng Ang Panday, siya rin ang tumatayong direktor at produser ng pelikula.

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

"Ang hirap. Dugo, pawis talaga ang puhunan namin kasi ang hirap din ng nga location namin tapos sobrang malalaki ang mga eksena tapos first time ko pa mag-direk. Talagang ang hirap. Pero sabi ko nga, ‘yung experience ang iti-treasure ko," aniya.

ADVERTISEMENT

Ibinahagi rin ng aktor ang pinakamahirap na role na kanyang ginawa para sa pelikula.

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

"Producer, kasi ang daming consideration. Siyempre i-analyze mo lahat. ‘Pag direktor ka naman kasi mag-focus ka lang sa eksena eh, ‘pag producer ka iko-consider mo kahit ang weather, ang mga artist mo. Siyempre aktor ako, ayaw ko ‘yung naiinip sila. Kung kumain na ba sila, kung okay ba ‘yung pagkain, kung ang lahat ay okay ba."

Dahil makakasabay ni Coco ang malalaking pelikula gaya ng Gandarrappido: The Revengers Squad na pinagbibidahan ng kanyang kaibigan na si Vice Ganda, aniya, hindi daw issue kung sino ang maging number one sa takilya.

"Hindi na (Hindi hanggad ang mag number one)… Ang gusto ko lang, ma-appreciate ng mga tao ang ginawa ko at pinaghirapan naming. Sabi ko nga noon sa sarili ko habang ginagawa namin, 'ito bang pelikulang ito, ginagawa ko para sa sarili ko o para sa viewers ko?' And nag-decide talaga ako na para talaga ito sa mga tao," pahayag ng aktor.

Masayang masaya din daw si Coco na tuluy-tuloy pa rin ang sigla ng pelikulang Pilipino tuwing kapaskuhan dahil sa mga makulay na pelikula ng MMFF.

ADVERTISEMENT

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

"Siyempre nakakatuwa, sabi ko nga hindi naman namin iniisip ang sarili namin eh. Ang iniisip namin kung paano namin mapapaligaya ang mga manunuod ngayong Pasko," saad niya.

Matapos ang paggawa ng Ang Panday, aminado ang first-time director na hindi din daw malayo na umulit muli siya sa pag-produce at pag-direk ng pelikula.

"Madami (concept) eh, at least ito na-prove ko sa sarili ko na kaya ko pala. Kumbaga, ngayon mayroon akong lakas ng loob kasi mayroon akong mga concepts na nakatago. Ngayon ‘yung mga concept na ‘yun, kaya ko na siyang gawing totoo," pagtatapos na pahayag ni Coco.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.