Rapper na si Abra kinabahan sa bigat ng kanyang unang movie role
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rapper na si Abra kinabahan sa bigat ng kanyang unang movie role
Kiko Escuadro
Published Sep 15, 2017 07:49 PM PHT

Unti-unti na ngayon sinusubukan ng rapper na si Abra na pasukin ang mundo ng pelikula.

Isa si Abra sa mga bida ng katatapos lang na 2017 Cinemalaya entry na Respeto na umani ng parangal bilang Best Picture.

Sa naging panayam na ito kay Abra sa special celebrity screening ng kanyang pelikula, aminado ang rapper na hindi niya inakala na kikilalanin ng marami ang kanyang pelikula.

"Kinakabahan ako kasi mayroong major role na nakapatong sa balikat ko and nakaka-excite din on the other hand kasi lahat ng aspect ng movie from cinematography, yung execution, and yung mga co-actors ko lahat sobrang lapit," sabi pa ni Abra.

Kuwento pa ng rapper turned actor, hindi niya inisip na magkakamit ng parangal ang kanilang pinaghirapang obra.

"Kahit wala naman yung prize ng Best Picture, parang panalo na yung film e. So plus plus plus talaga yung feeling ng kasiyahan ko. Tapos sobrang blessed talaga ng feeling namin regardless kung may award or wala," ani pa ni Abra.

Aminado din si Abra na gusto muli niyang subukin ang paggawa ng pelikula.

"Miss na miss ko na din kasi mag music e. Baka mag-dwell muna ako sa music world pero ‘pag may ano [offer] na magandang concept, game tayo diyan," sabi pa nito.

Bukod sa nakamit na papuri sa katatapos lang na Cinemalaya, thankful din ang rapper para sa mga positibong reviews na kanyang natatanggap mula sa mga film critics at netizens. "Opo grabe! Pagbukas ko ng social media ko umaapaw at nakakagaan ng loob. Hindi ko po expected na gusto pa nila ulitin at i-share pa talaga nila kaya nakakataba ng puso," pahayag pa ni Abra.

Mag-uumpisa ang commercial screening ng Respeto sa September 20 sa mga piling sinehan.

Read More:
Abra
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT