Rico J. Puno nagbigay update sa kanyang kalusugan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rico J. Puno nagbigay update sa kanyang kalusugan

Jeff Fernando

Clipboard

Timeless music ang handog ng OPM icons na sina Claire Dela Fuente, Imelda Papin, Rey Valera, at Rico J. Puno para sa kanilang upcoming Valentine concert na Timeless OPM.

Kasama ang OPM singers, masayang ibinalita ng isa sa mga concert performer na si Rico J. Puno ang estado ng kanyang kalusugan ngayon.

"Alam niyo seriously, kulang pa siguro ang contributions ko sa OPM kaya siguro binuhay pa tayo ng Diyos," sabi ni Rico.

2016 ng atakihin sa puso noon ang “Macho Gwapito” hit maker habang siya ay nasa kasagsagan ng isang concert. Pero ayon kay Rico J. mas maayos na siya ngayon at masasabing naka-recover na mula sa pagkakasakit.

ADVERTISEMENT

"Yung unang atake ko (2016) ng stroke nagpe-perform ako noon sa Resorts World kaya hinding hindi ko talaga malilimutan yun. Akala ko nga buntis ako e pero awa ng Diyos okay na ako."

Ayon sa OPM singer, isa sa malaking tulong sa kanyang recovery ay ang kanyang trabaho at pagkanta na nagpapalakas ng kanyang loob na lumaban mula sa naging karamdaman.

"Lagi ko nga sinasabi sa mga kaibigan natin na senior citizen na nagtataka kung bakit ang bilis ko mag-recover, siguro talagang sa energy ng ating trabaho e malaking tulong talaga yung lagi kang macho sa isip mo e malaking tulong," pahayag pa ni Rico J.

Mapapanuod ang Timeless OPM sa darating na February 14, 2018 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Read More:

Rico J. Puno

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.