Sequel ng ‘Fantastica’, pinagaaralan ni director Barry Gonzalez

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sequel ng ‘Fantastica’, pinagaaralan ni director Barry Gonzalez

Kiko Escuadro

Clipboard

Patuloy sa paghataw sa takilya ang 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie entry na Fantastica sa pangunguna ni Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at Vice Ganda.

Sa kasalukuyan, ang Fantastica at Jak Em Popoy: The Puliscredibles nina Vic Sotto, Coco Martin, at Maine Mendoza ang inaasahan na magbigay ng pinakamalaking kinita sa Metro Manila Film Festival.

Dahil dito, labis na kasiyahan ang naramadaman ng Fantastica director na si Barry Gonzalez.

“Siyempre, masayang masaya po kami na ganun ang resulta kaya thankful po kami. Kaya sana, panuorin pa din po natin ang Fantastica,” tugon ni Barry sa panayam sa kanya sa MMFF Gabi ng Prangal.

ADVERTISEMENT

Aniya, dahil sa tagumpay ni pelikula, hindi malayo na masundan ang kuwento ng Fantastica.

“‘Yun nga po, hanggang ngayon po, pinag-iisipan namin kung pwede ba (masundan). Sana nga po meron pa, so nananiniwala po kami na may plano ang Star Cinema para diyan,” pahayag pa niya.

Tatagal nang unang linggo ng Enero 2019 ang mga pelikulang kalahok sa film festival

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.