Xander Ford balik aral matapos ma-bash sa social media

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Xander Ford balik aral matapos ma-bash sa social media

PUSH TEAM

Clipboard

Balik eskuwela ngayon ang social media sensation na si Xander Ford o Marlou Arizala sa tunay na buhay.

Ito ang kanyang naging pag-amin sa programang Pareng Partners ni Anthony Taberna at George Cariño nitong Sabado.

Ayon kay Xander, personal choice niya ang magbalik sa pag-aaral.

“Pumapasok po ako sa school, iyon po ang pinagkakaabalahan ko ngayon,” masayang sabi ni Xander.

ADVERTISEMENT

Aniya, dahil sa todong bashing na nakukuha niya sa ilang netizens ay naging inspirado siya na ipagpatuloy ang total transformation na kanyang sinimulan sa kanyang pisikal na kaanyuhan. Kahit daw ‘trending’ siya palagi, marami pa rin siyang nakukuhang pambabatikos mula sa publiko.

“Lagi ko naririnig sa tao na ang ‘ang bobo mo naman, mag-aral ka ka muna bago ka magpasikat’ so nag-study ako tapos sinasabay ko ang gym ko at pag work out tapos dancing,” kwento pa niya.

Ayon pa kay Xander, hindi naman daw alam ng mga tao ang kanyang pinagdaanan para husgahan siya ng sobra.

Sa ngayon, plano pagsabayin ni Xander ang pag-aaral at pagtangggap ng showbiz commitments.

Noong Oktubre 2017, ipinakilala ni Marlou ang kanyang bagong anyo bilang si Xander Ford sa programa na Rated K matapos dumaan sa ilang beauty enhancements. Pero may realization si Xander sa kanyang ginawang transformation.

ADVERTISEMENT

“Inisip ko po na kapag nagbago ako, mababago ko din ang tingin ng tao sa akin pero hindi. Ganun po pala talaga ang tao kapag hate ka nila, hate ka nila. Pag gusto ka nila, gusto ka nila,” pagbubunyag niya.

Nang tanungin sa kung anong pinagkaiba ni Marlou at Xander, ang nakakatawang sagot niya ay, “Si Marlou po ang reality, si Xander ang expectation.”

Panoorin ang kanyang buong interview:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.