Jay Manalo admits he had a gay encounter

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jay Manalo admits he had a gay encounter

Leo Bukas

Clipboard

Hindi idinenay ni Jay Manalo sa presscon ng pelikulang Love Is Love ng RKB Productions na meron na siyang karanasan sa bading or gay experience.

“Oo naman!” ang diretsahang pag-amin ng actor.

Pero hindi na nag-elaborate pa si Jay tungkol dito at kung sino’ng bading ang kanyang tinutukoy.

Bago pa man maging isang award-winning actor si Jay ay personal na namin itong kilala. Kaibigan naming ang discoverer at manager niyang si Ray Caneta na matagal na ring sumakabilang buhay.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pagsubaybay namin sa career ni Jay, hindi rin naging madali ang kanyang naging pagsisimula sa showbiz bago siya nagkapangalan. At siguro, part ng kabataan niya noon ay ang binabanggit niyang gay experience.

Naging very vocal din si Jay na kung papipiliin siya between matrona or bading ay mas pipiliin niya ang isang beki.

Rason ng actor, “Mas malawak kasi ‘yung kanilang pang-unawa, for me, ha. Kasi kapag matrona kausap mo, mas wild mag-isip pati sa selos. Hindi katulad ng bading nakakapag-isip pa siya at malawak yung pang-unawa niya.

“Saka wala naman akong kaibigang matrona. Mostly mga bading din -- lalaki at bading. Kaya sila ‘yung mas pinili ko.”

Eh, naniniwala ba siya na kapag ang lalaki ay pumatol o na-in love sa kapwa niya lalaki ay bading na rito ito?

ADVERTISEMENT

“Sa tingin ko, kung tinatago niya o nagpapakalalaki siya tapos naramdaman niyang minahal niya ‘yung bading, ‘yon ‘yun, baka itinago niya lang,” tugon niya.

Dagdag pa niyang paliwanag, “Pero kung tunay na lalaki, na in love sa bading… parang hindi totoo ‘yan. Hindi nangyayari ‘yun.

“Companionship na lang. Parang hindi nangyayari at kung mayroon man, bibihira. Pero kung talagang na in love siya, alam niya sa sarili nya na ganu’n na rin siya. Pero ang tunay na lalaki, babae pa rin ang gusto niya.”

Samantala, sa pelikulang Love Is Love na idiirek ni JB Sampedro ay ginagampanan ni Jay ang role ng isang lalaki na na-in love sa isang bading played by Raymond Bagatsing. Kasama rin sa pelikulang ipapalabas on December 4 sina JC de Vera at Roxanne Barcelo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.