Erich Gonzales, Kim Chiu, at Xian Lim, magsasama-sama sa isang bagong teleserye

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Erich Gonzales, Kim Chiu, at Xian Lim, magsasama-sama sa isang bagong teleserye

PUSH TEAM

Clipboard

Matapos ang markadong tatlong karakter ni Erich Gonzales sa The Blood Sisters, muling magbabalik sa isang proyekto ng Dreamscape ang Kapamilya star kasama sina Kim Chiu at Xian Lim sa Love Thy Woman.

Dito, ibinahagi ni Erich ang kanyang pananabik para sa nalalapit na pagsisimula ng proyekto.

“Super excited because after Blood Sisters, yung project na susunod kong gagawin is under Dreamscape again. Ever since, sobrang grateful ako sa lahat ng bumubuo ng Dreamscape kasi binibigyan po nila tayo ng magandang proyekto. Grateful tayo sa tiwala nila,” tugon ni Erich sa panayam sa naganap na story conference ng upcoming project.

Kuwento pa ni Erich, tila isang reunion project ito kasama sina Kim at Xian na nakasama na niya noon sa ilang Kapamilya projects.

ADVERTISEMENT

“I’ve worked with Kim in Sana Maulit Muli in 2007 yun if I’m correct. Si Xian naman, I’ve worked with him in Katorse 10 years ago so matagal na. Marami din ako ditong first time ko makakatrabaho like sila Mr. Christopher de Leon, Miss Eula Valdez, Miss Sunshine Cruz, Miss Ruffa Gutierrez so exciting,” sabi pa niya.

Kung tatanungin naman kung ano ang nakapagpa-oo sa kanya para tanggapin ang proyekto, “Nung prinesent nila sa akin yung story, na-excite ako sa kuwento kasi family drama siya,” ani pa Kapamilya star.

“Yung role ko dito, ako si Queenie Wong. Isa siyang architect. She studied in Berkeley and ako yung legitimate child nila Mr. Christopher and Miss Eula. Isa siyang Chinese business tycoon. Nakakaangat sila sa buhay. Kami yung first family. Exciting lang mapanood kung paano gagawin nila direk yung eksena kasi I think first time mapapanood sa TV yung ganun,” patuloy pa niya.

Extra challenge din para kay Erich ang pagganap sa bagong karakter kung saan kailangan pa niya mag-aral ng Mandarin.

“Lahat daw kami Chinese so we need to learn yung Mandarin. Litong lito na ako in life. Bisaya, Tagalog, English tapos Mandarin pa. Lord please help me,” pabirong kuwento ng aktres.

ADVERTISEMENT

Sorpresa din daw kung kainisan o mamahalin ba siya ng mga viewers.

“Lahat po kami dito, biktima ng love sa kuwento. Exciting. Kahit ako, I can’t wait na mabasa na yung script. Although hindi pa namin alam what’s going to happen sa ending, malayo pa naman yun but nakaka-excite,” pahayag pa ni Erich.

Inaasahan na sa pagpasok ng buwan ng Mayo sisimulan ang shoot ng pinakabagong proyekto ng Dreamscape sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.