Mak Tumang, walang balak na i-replicate ang mga ginawang gowns para kay Catriona Gray | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mak Tumang, walang balak na i-replicate ang mga ginawang gowns para kay Catriona Gray

PUSH TEAM
Published Jun 21, 2019 07:16 PM PHT

Ipinaliwanag ng Filipino designer na si Mak Tumang ang mga disenyo ng tatlong gowns na gawa para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray. Sa episode ng Magandang Buhay kahapon, June 20, dinala ni Mak ang mga aktwal na gowns tulad ng Waling-waling, Adarna, at Lava, na pare-parehong isinnuot ni Catriona.

Ayon kay Mak, ang suot na Waling-waling gown ni Catriona sa kaniyang farewell speech nitong Binibining Pilipinas coronation night, ay mula sa konsepto ng naturang bulaklak bilang “Queen of the Flowers.”

"Ni-request niya sa akin for that na magsusuot siya ng fuchsia or magenta color na gown. Kaya doon ko naisip na ipasok yung waling-waling na as inspiration," dagdag niya.

Binalikan din ni Mak ang dalawang gowns niya na Adarna at Lava, kung saan ay nag-trending nang isuot ito ni Catriona sa Miss Universe 2018 competition sa Bangkok noong nakaraang taon.

Pagpapaliwanag ni Mak, kung ang Adarna gown ay inspirado sa sikat na alamat ng Ibong Adarna, ang Lava gown naman ay mula sa kilalang bulkan sa Albay, ang home town ni Catriona.

"Si Cat naman ni-request niya sa akin na gusto niya ng red gown. So ayun na-challenge na. Tapos naisip ko yung hometown ng mother niya is Albay, home of Mayon Volcano. So 'yun yung naisip kong ipasok yung concept na 'yun," pahayag ni Mak sa mga momshie hosts, na napansin ang kabigatan ng Lava gown.

Sa parehong interview sa morning talk show, sinabi rin ni Mak ang planong pagtatayo ng museum at i-exhibit ang mga nagawang gowns para sa Miss Universe 2018 title holder.

"Mayroong nag-rerequest pero hindi ko ina-allow na ireplicate, kasi very iconic so kailangan si Catriona lang yung may suot... Balak kong magtayo ng museum para ipepermanent exhibition siya in the future," ani Mak.

Maaalalang itong March 16 ay nagpasimula na ng kaniyang gown exhibit si Mak, sa isang mall sa Manila.