Kiray Celis, ipinagtanggol ang nobyo laban sa bashers

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kiray Celis, ipinagtanggol ang nobyo laban sa bashers

Leah Bueno

Clipboard

Ipinagtanggol ni Kiray Celis ang nobyo niyang si Stephan Estopia laban sa mga bashers.

Ito ay pagkatapos na kwestyunin ng ilang netizens ang pagregalo ni Stephan ng mamahaling gamit sa aktres.

Nitong nakaraang linggo, masayang ibinahagi ni Kiray na binigyan siya ng nobyo ng sandals mula sa Louis Vuitton at brand new cellphone mula sa Apple bilang kanyang early Christmas gifts sa aktres.

"Loyal na lalaki lang hiniling ko. Pero binigyan niyo ko ng lalaking may pa-iPhone 13 na, may pa LV pa! Huhuhuhu! Christmas gift na daw niya sakin. HAHAHAHAHAHA! I love you," ani Kiray sa Instagram.

ADVERTISEMENT

Bagamat marami ang natuwa sa kanyang post, umani rin ito ng negatibong reaksyon mula sa ilang netizens.

Kaya naman hindi napigilan ng aktres na bumuwelta sa bashers ng kanyang nobyo sa kanyang bagong post.

"Hindi naman nababase ang pagmamahal sa regalo... Hindi naman porket binilhan ka ng mamahaling gamit, hindi ka na lolokohin... Hindi binili ng jowa niya yan, pera ni Kiray yan," ani Kiray.

"Isa lang 'yan sa mga narinig namin pero nakakatawang basahin at pakinggan. YES! Masyadong mahal tong LV na sandals at iPhone 13 para iregalo ni @stephan.estopia. Halos pasok lang sa sweldo niya sa stream at sa endorsements na ginawa niya. Pero hindi 'yun naging hadlang para hindi niya daw maibigay lahat ng gusto ko."

Si Stephan ay isang sikat na gaming video creator o streamer. Mayroon siyang halos 300,000 followers sa kanyang Facebook page, kung saan araw-araw siyang nagpo-post ng kanyang mga laro.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Kiray, nagpapasalamat siya sa kanyang nobyo dahil kahit wala naman itong dapat patunayan sa ibang tao ay ipinapakita pa rin nito kung gaano niya kamahal ang aktres.

"Nagpapasalamat ako sa jowa ko kasi kahit hindi naman niya kailangan patunayan sa inyo, at dahil sa makikitid na utak niyo na kesyo ako lagi gumagastos, ako bumili, ako naglabas eh ginagawa niya pa rin. Para daw malaman niyong lahat kung gaano niya ko kamahal," aniya.

Sa huli, isang maikli pero matamis na mensahe ang ibinahagi ni Kiray para sa nobyo.

"Kaya salamat, kasi buong buhay ko halos gamit at kailangan ng pamilya ko ang priority ko. Madalas nakakalimutan ko na yung sarili ko. Pero lagi mong pinaparamdam sa akin na 'DESERVE' ko lahat kasi mabait at masipag akong tao.. Thank you dad! Salamat sa lahat!" aniya.

Nagbigay din siya ng kanyang mensahe sa mga naiinggit sa relasyon nila ni Stephan.

ADVERTISEMENT

"Kaya sa mga inggitera, hindi kasi kayo nireregaluhan ng mga jowa niyo. At para naman kay @senyora.official, WALA KA KASING JOWA! HAHAHAHAHAHA!" biro niya.

Basahin ang buong post ng aktres dito:

Taong 2019 nang isinapubliko ni Kiray, na unang nakilala bilang cast member ng Goin' Bulilit, ang kanyang relasyon kay Stephan.

Noong Setyembre, nag-viral din ang magkasintahan matapos na ipa-tattoo ni Stephan ang mukha ni Kiray sa kanyang dibdib.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.