Gloria Diaz, game na nagtanggal ng underwear sa ‘Lola Magdalena’

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gloria Diaz, game na nagtanggal ng underwear sa ‘Lola Magdalena’

Leo Bukas

Clipboard

Matapang na nagtanggal ng panty si Gloria Diaz sa isang eksena sa pelikulang Lola Magdalena na idinirek ni Joel Lamangan.

Ang pelikula ay tungkol sa mga prostitutes past one’s prime na sa kabila ng kanilang pagiging senior ay rumaraket pa rin sa pagiging prosti.

Ayon sa scriptwriter ng pelikula na si Dennis Evangelista, nag-alangan sila ni Direk Joel Lamangan kung ipapagawa pa kay Miss Universe 1969 ang naturang eksena matapos ang preview ng Lola Magdalena.

“Ikuwento ko lang po ‘yung scene sa sementeryo, ‘yung nagsasayaw po si Miss U. Nagdi-discuss po kami ni Direk. Kasi along the shooting po kasi, isa po sa mga consideration, baka po mahaba na ‘yung pelikula,” ani Dennis.

ADVERTISEMENT

“So, pag patapos na po kami ng shooting, tatanungin ni Direk sa amin, ‘Ano sa tingin mo, Den? Ano sa palagay niyo ang puwedeng putulin?’ ‘Yung eksenang iyon sa sementeryo, isa ‘yun sa ni-recommend na tanggalin. Ako personally, ayoko po. Kasi, gusto kong mapakita ‘yung degradation ni Miss U. Na hanggang ganun, kaya niyang gawin,” dagdag pa ni Dennis.

“Pero si Direk, parang napi-feel ko, parang hindi niya anong gawin. Kasi, baka hindi gawin ni Miss Gloria. Pero nung ginawa pa rin, natuwa ako kay Miss Gloria nung sinabi, ‘O, dalawa ang panty ko!’ Game siya!” proud na paliwanag ni Dennis.

Bukod sa paghuhubad ng panty ni Gloria, marami pang maseselang eksena sa Lola Magdalena na nakakuha ng PG (Parental Guidance) rating mula sa MTRCB.

Ani Gloria, ibang-iba ang Lola Magdalena sa mga nagawa niyang pelikula noon.

“In fact my daughter Isabelle [Daza] said, ‘Mom! What are you going to do next?!’ sabi niya,” natatawang kuwento ni Gloria.

ADVERTISEMENT

“Kasi, I showed her ‘yung short trailer, sila, ‘no. Natawa nga sila, eh. But I don’t think they thought of it as a sex film really. They thought more of it as a comedy — with a faith healer na pokpok you know sa gabi. Medyo hard to describe,” dagdag niya.

“I said, ‘What do you feel? Is it nice?’ ‘Mom, it’s hard to describe. I don’t know what I feel,’ sabi niya,” sambit pa niya.

Bukod kay Gloria, kasama rin niya bilang mga prosti sa Lola Magdalena sina Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran, at Sunshine Cruz. Ano ba ang reaksyon niya nang mapanood ang pelikula?

“Well, I liked the story, and I laughed although I knew what it was. My reaction, my number one reaction — hindi na ako kakain ng rice,” sey niya.

“Pero it was very fast, the cutting, ha?! Sinong favorite ko dun? I think, si Pia. Siya pa rin ang favorite ko. Di ba, Direk? Okey na okey siya sa role niya. Perfect film. I can’t believe it’s a whole film. Ambilis natin, ano, Direk? Grabe. It was very funny. I was also asking Direk, ano ba ito? Kung drama ba ito o comedy. I think it’s more comedy, ano? Yeah,” lahad pa niya.

ADVERTISEMENT

Inisa-isa rin ng dating Miss Universe ang ilan sa mga favoritie scenes niya sa pelikula.

Litanya niya: “I liked my… the one sa sementeryo. Dapat ginalingan ko pa!. Tapos gustung-gusto ko yung mga nakikipag-deal about magpo-pornong film. I liked that coz it’s funny, sad. Basta it’s funny.”

“Then I liked very much all the scenes with Pia, that she was doing with the guys. Parang supposed to be, bastos pero it’s nakakatawa na nakakaawa. And I think that’s the whole idea, hindi ba?” dagdag niya.

“Liza, of course, was very good. I liked also. At maganda rin ‘yung death scene sa karnabal. Parang … parang big production,” pagpapatuloy pa niya.  

May karnabal pa kami, ‘di ba? Maganda. Ang ganda!” aniya.

ADVERTISEMENT

Producer ng Lola Magdalena si Amelia Zuniga ng Hero Hito Productions.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.