Ogie Diaz may paliwanag sa isyu ng screen name ni Liza Soberano

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ogie Diaz may paliwanag sa isyu ng screen name ni Liza Soberano

Leo Bukas

Clipboard

Naglabas ng pahayag ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa kanyang vlog tungkol sa isiniwalat ni Liza Soberano na diumano’y nakakahon lang siya sa loob ng 13 taon sa ilalim niya bilang manager at sa Star Magic at sa tila hindi niya nakikitang growth bilang aktres sa bakuran ng Star Cinema.

Simple lang ang naging pahayag ni Ogie. Hindi niya ikinagalit ang mga sinabi ni Liza sa video at ayon pa sa kanya ay naiintindihan niya ang dating talent.

“Maikli lang po ang sasabihin ko. Hindi na para isa-isahin ko kay Liza Soberano ang sagot ko sa kanyang mga ipinupunto, kundi nais ko na lang unawain at intindihin ang kanyang kwento at damdaming tungkol sa 13 years ng kanyang showbiz career,” simula ni Ogie.

Patuloy niya, “Kung sinasabi ni Liza na parang kinokontrol siya ng mga tao sa paligid niya—kung ako man yan at ang Star Magic—gusto kong magpasalamat kay Liza kasi sinunod niya kami. Kaya siguro sumikat siya.

ADVERTISEMENT

“Imagine-in ninyo ha? Kung walang nangyari sa career ni Liza noong hawak ko siya at ng Star Magic, malamang, iba ang narrative niya ngayon. At least, okay na yan. Kesa naman nagra-rant dahil walang magandang nangyari sa career, di ba?”

May paliwanag din si Ogie sa pagiging “controlling” diumano niya at ng Star Magic kay Liza sa kung ano ang mga dapat at hindi niya dapat gawin.

“Sabi ni Liza, ‘I had always been told what to do, what to wear, what to say, and what not to say. I know this was for my own good. It was to protect me and my career, but it was a career that I had no say in.’

“Anak, lagi kang binibigyan ng chance to say your piece, your opinion, your suggestion. Pinapakinggan ka din naman kapag may complaints ka. Pero, di ba, kung minsan, we had to meet halfway? Pinagbibigyan mo naman ang production kapag nilambing ka nila. And I thank you for that. Pakikisama ang tawag doon, anak. Pagtatanim. Para in the future, may aanihin.

“Hindi rin naman siguro ako magiging Ogie Diaz kung ako lang mag-isa. Nakisama, naki-PR din naman ako. Pag may gusto ka naman o ayaw ka, anak, isinaalang-alang din nila yon, di ba?

ADVERTISEMENT

“Tandaan mo, anak, narating mo ang fame hindi lang dahil sa akin at suporta ng Star Magic at ng ABS-CBN at ng production staff; dahil din yan sa dedication mo sa trabaho. Dahil yan sa ‘yo. Kaya palakpakan mo rin ang sarili mo ha?

“Lahat ng ito, ng narating mo, pinaghirapan mo yan, anak para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya mo. Sila ang inspirasyon mo kaya minahal mo rin ang career mo,” lahad pa ni Ogie.

Maging ang tungkol naman sa paggamit ng screen name na Liza na naging isyu din pala sa dalaga sa kanyang vlog ay may paliwanag si Ogie.

Sabi ni Ogie, “‘Yung sinabi mong ‘I didn’t choose the name Liza; it was chosen for me,’ anak, yung screen name na ‘Liza Soberano’ na ibinigay sa ‘yo ni Tita Malou Santos ng Star Cinema, yan ang nagtaguyod sa pamilya mo. Nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang daddy mo.

“Nakakapagpadala ka rin ng tulong sa mommy mo sa States. Naibili mo ng bahay sa America ang lolo at lola mo na kumupkop sa inyo ng kapatid mong si Justin noong mga bata pa kayo sa America. Lahat yan, dahil sa ‘yo, dahil sa pagiging Liza Soberano mo, anak.

ADVERTISEMENT

“Mas isyu siguro yung screen name kung hindi tumatak sa utak ng mga Pilipino, kung hindi ka tinangkilik, di ba?”

Sa kabila ng lahat ay hangad pa rin ni Ogie ang tagumpay ni Liza.

“Ito anak ha? Wa echos ‘to. I wish you good luck sa bagong bihis na Liza Soberano. Alam mo ‘to, lagi kong sinasabi kahit kanino, malaki ang utang na loob ko sa ‘yo. Dahil ang mga kinita ko sa ‘yo bilang manager ang ipinangbabayad ko sa hospitalization ng inaanak mong si Miracle noong 2017, [at] 6 years old na siya ngayon.

“Noong naghiwalay tayo bilang manager at talent, sabi ko sa ‘yo, ‘Basta may concerns ka, problema, o tanong ka, nandito lang palagi ang Tito Ogie mo. Maghihintay lang ng tawag o text mo,” huling sambit ni Ogie.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.