RK Bagatsing natupad na ang pangarap makasakay sa float sa MMFF
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RK Bagatsing natupad na ang pangarap makasakay sa float sa MMFF
Leo Bukas
Published Apr 05, 2023 11:01 AM PHT

Masayang-masaya si RK Bagatsing na ang pinagbibidahang pelikula na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) ng Saranggola Media ay nakapasok sa Summer Metro Manila Film Festival. Dahil daw sa nangyari ay natupad na rin ang pangarap niya na sumakay sa float sa ginanap na Parade of Stars noong Linggo, April 2, 2023.

Kasama ni RK na sumakay sa float ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko sina Eric Nicolas, Meg Imperial, Dennis Padilla, at ang direktor ng pelikula na si Joven Tan.

“Nakasakay na rin ako sa float. Hahaha!” sambit ng Star Magic artist. “First time ko kasing mapasama sa Metro Manila Film Festival, wala pa akong movie na nasama,” wika pa niya.

Gagampanan ni RK sa pelikula ang karakter ng legendary singer-songwriter na si Rey Valera. Hindi man daw ganu’n kaganda ang boses niya pero ang sabi sa kanya ni Direk Joven Tan ay may mga nai-record na silang mga kanta para sa pelikula. Ang kailangan na lang daw lang ay ang gaganap sa nasabing karakter.

“Ngayon kasi sa stage ng career ko ayaw kong maging safe. Sabi ko natatakot ako pero yan yung mga gusto kong project—yung natatakot ako. So, nag-yes ako sa proyekto,” saad ng aktor.

Bumagay naman kay RK ang kanyang role at hindi nagkamali ang Saranggola Media sa pagkuha sa kanya dahil mahusay siya sa pelikula. Pareho din sila ng personalidad ni Rey na tahimik lamang.

“It’s really a big honor to play Mr. Rey Valera in his biopic. He’s one of our country’s most popular singer-songwriters, with so many hit songs to his credit, so I’m very proud to play him in this movie.

“I did my very best to make sure hindi naman ako mapahiya in portraying him on the big screen,” kampante niyang pahayag.

Habang ginagawa ang pelikula ay hindi nagkita sina RK at Rey na ayaw din palang mangyari ng aktor dahil baka mas lalo siyang ma-pressure at mawala sa focus.

Ano ba ang naging challenge niya sa pagganap bilang Rey Valera sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)?

“Ang challenge sa akin ay yung pagsusuot ng wig. Kasi ang init talaga nung suot kong wig. Saka meron kaming isang shooting day na sobrang init, ang sakit ng ulo ko the whole time na nagsu-shooting kami.

“Sa bawat eksena, kailangang kalimutan ko yon at gawin ang mga pinapagawa sa akin. Pero other than that, sobrang nag-enjoy ako sa set. Kasi ang saya-saya ng buong production. Para lang akong naglalaro, sa totoo lang.

“Dahil kumbaga, parang in-on ko lang ang radio at nakikinig ako ng mga musika ni Sir Rey. In-enjoy ko lang bawat araw na nandu’n ako sa set,” kuwento ni RK.

Pinuri naman ni Rey si RK sa pagganap nito ng kanyang karakter sa pelikula.

“Nung nakaharap ko siya may mga sinasabi siya sa akin pero tumatagos lang sa kabilang tenga ko and eventually nung natapos ang pelikula at nakita kong ngumiti siya and while watching nakita ko tumitingin siya sa amin, gumaganu’n siya (thumbs up).

“So, unti-unti nawawala yung kaba ko. Tapos ang una niyang sinabi sa akin, ‘Alam mo, okay ito kasi ang mensahe nito ay inspirasyon para sa mga nangangarap,’” pagbabahagi pa ni RK.

Palabas na sa mga sinehan ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) sa April 8.

Read More:
Dennis Padilla
Eric Nicolas
Joven Tan
Meg Imperial
Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko
Rey Valera
Saranggola Media
Summer Metro Manila Film Festival
Parade of Stars
RK Bagatsing
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT