Ano ang magiging title ng bagong noontime show nina Tito, Vic, at Joey?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano ang magiging title ng bagong noontime show nina Tito, Vic, at Joey?
Jeff Fernando
Published Jun 20, 2023 07:45 PM PHT

Magkakahalong emosyon ang nakita ng entertainment media sa pagharap ng Legit Dabarkads na pinangununahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon (TVJ) ngayong araw, Hunyo 20. Ito ay naganap sa kanilang unang media conference matapos ang kontrobersyal na sabay-sabay nilang pagbitiw sa Eat Bulaga noontime show na halos isang buwan na ang nakakaraan.

Unang tanong ng lahat ay kung ano ba ang title na gagamitin ng Legit Dabarkads sa noontime show na mapapanood TV5 simula sa July 1.

Unang sumagot ang Henyo Master na si Joey De leon nang pabiro.

“Ito ang unang palabas na napakaraming title. Iba sa Lunes, iba sa Martes. Pero ang naisip namin IT-IT. Hindi yan bastos. Meaning n’yan ‘Isang Thousand Isang Tuwa,’” pagbibiro ni Joey.

Pero seryoso naman si Tito Sotto na sana ay pumabor sa kanila ang lahat at magamit nila ang Eat Bulagabilang title na si Joey ang nakaisip.

“Yung copyright kasi nagaganap yan the moment na ma-conceive ang idea. Kaya yang title na Eat Bulaga kay Joey de Leon yan. Naiisip din namin E.A.T. meaning ‘Eto Ang Totoo,’” dagdag ni Tito Sen.

Emotional naman si Vic Sotto sa kanyang naging sagot hinggil sa title na iningatan at pinasikat nila sa loob ng 44 years.

“Biruin mo, ako nga kapag hindi ako nakapasok sa isang araw parang nanghihina ako eh. Tapos yung title namin basta basta na lang kukunin ng kung sino sino,” sabi ni Vic.

Kumalat din na sa Philippine Arena magaganap ang unang telecast ng Legit Dabarkads sa July 1 na nilinaw agad ng TVJ.
“Dito muna kami sa TV5 studios, we want to start humble,” ayon kay Vic.

Kapwa naiyak naman sina Vic at Joey nang magpasalamat sa TV5 management sa pagtanggap sa kanila kasama ang Legit Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Carren Eistrup, at Ryzza Mae Dizon na kasamang sumagot sa mga tanong ng media kanina.
Sa ngayon, pangako ng TVJ ang isang magandang palabas na mas enhanced na mga segments at mga bagong gimik na magiging paborito ng mga manonood.
Read More:
Vic
Joey
Paolo Ballesteros
Ryan Agoncillo
Allan K
Jose Manalo
Vic Sotto
Tito Sotto
Joey De leon
Tito
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT