Star Music artist at apo sa talampakan ni Emilio Aguinaldo, proud fan ng SB19

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Star Music artist at apo sa talampakan ni Emilio Aguinaldo, proud fan ng SB19

Leo Bukas

Clipboard

Isa sa very promising singer ng Star Records ay ang apo sa talampakan ng dating pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo. Siya si Lizzie Aguinaldo. 

In just two months, nakapag-release na agad ng unang kanta si Lizzie. Her first single is titled "Baka Pwede Na" na nasundan agad ng second single na "Lato-Lato" na inspired by the hit PH game lato-lato. 

Ang award-winning composer na si Direk Joven Tan ang sumulat ng kanyang mga kanta.

Ayon kay Lizzie, bata pa lang siya ay interesado na siyang pasukin ang music industry.

ADVERTISEMENT

“I really knew that yung heart ko po talaga ay nasa music industry.  When I was very young po I really love to sihg kahit wala po sa tono.  Kanta lang po ako nang kanta to the point na yung mga siblings ko, ‘Ba’t kanta ka nang kanta?’" aniya. 

“Dream ko po talaga na maging singer and dream ko po talagang magkaroon ng own song ko po. Early this year po, noong pinayagan po ako ng dad ko na pumasok sa music industry, nag-isip po akong mabuti kung iba talaga yung guto ko kaya ngayon ito po, tina-try ko siya,” kwento ng 15-year-old singer nang makausap siya ng PUSH.

Nag-aaral si Lizzie sa International British Academy pero dream niya talagang maging singer. Hindi ba siya nahirapang i-convincce ang parents niya na mag-showbiz?

“Hindi naman po. Kasi po when it comes to our goals po and dreams super supportive naman po sila, na kahit ano pong i-ask namin sa kanila they really work hard po para po ma-experience po namin. Basta po mag-focus pa rin ako sa studies ko at huwag kong pababayaan. Mag-enjoy lang daw po ako,” sagot ng dalagita sa amin. 

Sina Taylor Swift, Lani Misalucha, Sarah Geronino at Moira ang musical influences ni Lizzie. Pero sobrang biglang nagbago ang mood niya nang banggitin namin ang SB19.

ADVERTISEMENT

Bulalas niya: “Kinikilig po ako sa kanila, ang galing po nila. Tuwang-tuwa po ako, kasi siyempre mga Pilipino sila at nakaka-proud lang po na hinahangaan din sila sa buong mundo. Gusto ko nga po silang mapanood pero busy pa po silang mag-tour ngayon.”

Isa rin daw sa hinangaan ni Lizzie sa SB19 ay ang magandang training ng grupo bago sila naging successful sa kanilang career.

“Super galing po ng training nila at pag-organize po sa kanila. Ilang taon din silang nag-training bago po sila nag-debut. For me po, sobrang importante po no’n para sa  personality nila at 'yung kanilang mga dance moves," ani Lizzie. 

“Nakaka-proud po talaga. Kapag nanonood ako kung saan na sila nakakarating ngayon, ang galing po,” deklara pa niya. 

Handa rin ba siyang makipag-collab sa SB19?

ADVERTISEMENT

“Yes po, oh, my gosh! Go na po agad 'yan. Hindi na po ako magdadalawang isip na kuhanin po. Of course, SB19 na po 'yun,” excited pang pahayag ni Lizzie.

Nilinaw naman ng Star Music artist na hindi porket apo siya ng dating presidente ng Pilipinas ay spoiled girl na siya.

Katwiran niya: “I think, kasi po 'yung parents ko never po silang naging madamot sa amin. And to be honest po, super selfless po nila na kung ano po 'yung gusto namin they will really work hard po."

Dagdag pa niya: “But for our case, kasi we have to work hard muna po bago po namin makuha, so 'uin po. Hindi po namin maa-achieve yung isang bagay na hindi po namin mapaghihirapan. Don po kami pinalaki kasi na hindi po palagi makukuha yung ganun. Dapat po may something na deserve po namin, ganun po kami pinalaki throughout the years." 

When asked about social media and kung ano ang nagiging impact nito sa pagkatao niya, ani Lizzie, sana raw ay magkaroon ng konting restrictions ang mga kabataan sa paggamit nito.

ADVERTISEMENT

“I think dapat po kasi may restriction pa rin po. Pero at some other topics po para po mas aware na po 'yung mga kids sa generation namin. Super useful din naman po ang social media since dati nga po do’n tayo nahirapan na hindi pa po natin alam 'yung ganitong bagay tapos ngayon po kakailangan pala natin 'yun," aniya.

“Dapat lang po talaga may boundaries po between sa mga…  lalo na po  sa mga kids ngayon dahil tutok na po sila sa mga cellphones, social media, sa gadgets. Sa TikTok, magugulat ka po na akala mo ka-age mo po pero 'yun pala mas younger pa pala sayo," pananaw ni Lizzie.  

“Nakakagulat po na ang dami din pong nandiyan na makalat sa social media ngayon kaya hindi rin po masyadong healthy lalo na po sa younger kids. 'Di ba po most po ng mga users po ng gadgets puro younger po sa range ng age ko. 'Yung mga hindi po appropriate sa kanila dapat po i-put aside muna po,” dagdag pa niya.  

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.