FPJ’s Ang Probinsyano, winasak ang sariling live viewership record sa YouTube | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FPJ’s Ang Probinsyano, winasak ang sariling live viewership record sa YouTube

Entertainment.ABS-CBN.com
Published Apr 17, 2022 07:38 PM PHT
|
Updated Apr 17, 2022 07:44 PM PHT

Tinutukan ng mga manonood ang madugong bakbakan sa “FPJ’s Ang Probinsyano” matapos wasakin ng serye ang sarili nitong live viewership record sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment's YouTube channel, kung saan nagtala ng all-time high na 222,000 live concurrent viewers ang episode noong Lunes (Abril 11).

Ito ang pangalawang sunod na episode na nakamit ng serye ang panibagong record matapos mapanood ang matinding sagupaan sa pagitan ni Cardo (Coco Martin) at mga kalaban niyang sina first lady Lily Hidalgo (Lorna Tolentino), Lito Valmoria (Richard Gutierrez), at Albert de Vela (Geoff Eigenmann).

Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”