Pag-IBIG may 'loan restructuring' para sa mga miyembrong sapul ng pandemya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pag-IBIG may 'loan restructuring' para sa mga miyembrong sapul ng pandemya
ABS-CBN News
Published Sep 24, 2020 06:41 PM PHT

MAYNILA - Mag-aalok ng 'special loan restructuring' ang Pag-IBIG fund sa mga miyembro nilang umutang na hindi na nakakabayad dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa Pag-IBIG, pasok dito ang hindi na nakabayad mula Setyembre 2019 o anim na buwan mula Pebrero nang magsimula ang pandemya.

Ang mga buwan na hindi nababayaran, ikakarga na lang sa binagong loan scheme kaya hahaba ang kanilang payment method.

"Puwede po tayong pumili kung kailan na natin gustong simulan muli ang pagbabayad puwede po nating piliin ang November, December. Puwede po hanggang Marso next year," ani Acmad Moti, Chief Executive Officer ng Pag-IBIG Fund.

Valid ID at selfie na hawak ang ID ang mga kailangan na dokumento. Wala naman itong processing fee at online lang ang aplikasyon.

Magpapadala ng text mesage ang Pag-IBIG fund sa mga kalipikadong miyembro na hindi na nakakabayad dahil sa hirap ng buhay.

"'Yung interest lang ang meron pero 'yung tinatawag na interest on interest 'pag di na nakabayad [ng] penalties, surcharges etcetera, lahat ‘yun ay waived. So malaking kawalan na po 'yun 'pag nawala ang penalties at interest on interest... Tayo naman ngayon ang tumutulong sa ating mga housing loan borrowers," ani Moti.

Papaaprubahan ni Moti sa Pag-IBIG board sa Biyernes ang programa para masimulan na ito sa Nobyembre.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
Pag-IBIG loan restructure
Pag-IBIG Fund
loan restructuring
Alvin Elchico
utang
pabahay
pandemic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT