Isla sa Binangonan, nababalot umano ng kababalaghan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isla sa Binangonan, nababalot umano ng kababalaghan

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 07, 2018 04:33 PM PHT

Clipboard

Hanggang ngayon, tumatayo pa rin daw ang mga balahibo ni Merly Balanon sa tuwing napag-uusapan ang kababalaghang minsan niyang naranasan.

Nakakita raw kasi ng kapre sa kanilang lugar si Balanon.

"Lumabas lang ako, may tao sa puno," ani Balanon, na 20 taon nang naninirahan sa Sitio Pulo, Barangay Pila-pila sa bayan ng Binangonan, Rizal.

"Nakita ko maitim, makintab, mataas. Katawan lang nakita ko, di ko nakita 'yong ulo. Pero 'yong binti niya mahahaba," paglalarawan niya.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa lamang si Balanon sa marami pang residente sa kanilang isla na may nakapangingilabot umanong karanasan. Sa katunayan, binansagang "Pulong Diyablo" ang kanilang lugar dahil sa mga kuwentong iyon.

Dalawang oras ang layo ng Pulong Diyablo mula Maynila, at napapaligiran ito ng Laguna de Bay.

Bagaman may lalim na dalawang dipa lang ang tubig sa may pampang ng isla, marami pa rin umanong residente ang nalulunod doon — bagay na pinaniniwalaan ng ilan na gawa ng mga lamanlupa.

"Dito sa lugar na 'to maraming nalulunod, mga binatilyo, bata. Pero walang nalulunod na may asawa at matanda," anang residenteng si Modesto Antioquia.

"Parang kinukuha ng ano, ng engkanto kung iisipin," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Bukod sa kapre at mga engkanto, may mga kuwento rin ang mga residente ukol sa mga white lady at diyablo.

Pero para kay Arsenio De Leon, na nakatira sa isla mula pa noong 1950s, wala raw katotohanan ang mga kuwentong kababalaghan.

"Kung nakakatakot dito, hindi kami tatagal dito," ani De Leon.

Sang-ayon kay De Leon ang barangay chairman na si Frisco Celis.

Kung si Celis ang masusunod, sana ay mapalitan na raw ang bansag sa kanilang lugar.

ADVERTISEMENT

"Siyempre gusto ko naman mabago iyon. Pangit pakinggan 'yong diyablo. Dapat siguro baguhin," aniya.

Nagsama-sama kamakailan ang mga residente para sa isang prayer vigil upang matigil na ang mga nakapangingilabot na kuwento sa kanilang lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.