Sherilyn Reyes, inaming na-swindle sa negosyo
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sherilyn Reyes, inaming na-swindle sa negosyo
ABS-CBN News
Published Feb 10, 2021 02:47 PM PHT

MAYNILA -- Hindi napigilan ni Sherilyn Reyes ang maging emosyonal nang maalala ang pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, naging bukas si Reyes sa pag-aming na swindle siya at humarap sa matinding problemang pinansiyal.

"For two years I was dealing with them, maayos naman. 'Yung tao biglang naging part ng kompanya na 'yon. It so happened na lately na lang namin nalaman na 'yung kompanya na 'yon pala bukod sa mayroon silang store ng mga bag ay mayroon din silang pawnshop. So ang ginagawa, pinapasok muna sa pawnshop ang mga bag kung hindi mabenta. Hanggang sa binitawan nila ang babae, tapos dini-deny nila na part ng company, ganyan. So naremata ang mga bag, kasi biglang pinapabayaran sa kanya 'yung interest which hindi niya ginagawa before. Sinabi lang na 'o ipasok mo para ang books natin mag-improve, para magandang tingnan," ani Reyes na nagsimula nang maging emosyonal.

"Malaking halaga talaga. I'm very humble enough to say na -- gapang, we are struggling talaga. Nakakaiyak naman ito. Pero totoo. May nagsabi sa akin, 'oy sa TikTok ha hindi ka mukhang mayroong problema.' Well there are times when na nade-depress talaga ako because I blame myself, I blame myself kasi ako ang ka-deal. Nag-trust ako lalo na nag-pandemic," ani Reyes.

Ayon kay Reyes, ang kanyang asawang si Chris Tan at mga anak ang naging sandalan niya sa panahon ng pagsubok.

"Nandoon 'yung nag-beg kami puwede bang ma-extend. Si Chris kinausap niya lahat for me siguro para to spare me sa kahihiyan but then again kagagawan ko. Nakita niya kung paano ako nade-depress, grabe ang anxiety ko parang inako niya lahat. Si Ryle (Santiago) is such a big help, actually lahat ng mga anak ko. They are all helping talaga kasi every challenge that comes we solve it as a family. 'Yun ang isa sa mga bagay na lagi naming sinasabi sa kanila na kaya dapat hindi kayo nagsisinungaling o nagtatago para kapag may nagkaroon sa inyo ng problema ay alam natin kung paano haharapin dahil alam natin ang nangyayari," ani Reyes.

Ayon sa aktres, hanggang ngayon ay patuloy pa rin sila sa pagbabayad ng utang na hindi naman talaga sa kanila.

"August 2019 nangyari 'yon and until now we're struggling to pay all our suppliers for the responsibility that's not even ours. Pero mas importante na we're complete, we're happy, we're healthy. Although talagang struggling to earn money, that's very true. Ang sakit na 'yung kinikita mo ay napupunta sa utang na hindi mo naman utang but then again you want to be a good person, you want to be good people. So alangan namang takbuhan namin ang tao. Ako ang kausap so nandoon 'yung feeling na kailangan itawid ko ito, kailangang ayusin. So 'yun, mahirap-mahirap," ani Reyes.

Sa huli, sinabi ni Reyes na sa kabila ng pagsubok ay marami pa ring bagay na dapat niyang ipagpasalamat lalo't buo, masaya at kumpleto ang kanyang pamilya.

"It's been more than a year buhay pa ako. Noong nangyari 'yon akala ko talaga mamatay na ako. Nabingi ako, hindi ako makakain. So parang nung nakita ko, 'Oo nga ano 'yung pamilya ko lumalaban for me and with me, and then ako ito nagpapakalugmok, bakit?' So there are times when I feel sad, I drag myself na 'oy bumangon ka.' Ang daming reasons to be thankful for. Dinadaan ko sa TikTok kasi stress-reliever siya," ani Reyes.

Related video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT