Piolo Pascual, sasabak muli sa concert

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Piolo Pascual, sasabak muli sa concert

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Muling sasabak sa concert ang aktor na si Piolo Pascual na ngayon ay abala sa kanyang mga proyekto sa Kapamilya network.

Sa panayam ng "Showtime Online Universe" kay Pascual, sinabi nito na masaya ang pasok ng 2022 para sa kanya dahil sa sunod-sunod na proyekto, kabilang na ang pagbabalik niya sa concert stage.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"I had meeting with some producers to invest sa Philippines to do more films. Busy din tayo sa ABS-CBN with two shows na kasama tayo," ani Pascual.

"Tapos sa July, I'll be touring sa States and there are more inquiries for concerts. So marami sigurong concerts this year," ani Pascual na abala rin sa pag-promote ng kanyang awiting "Tawag Mo."

"Ang 'Tawag Mo' is a ballad, a love song. Para sa mga hopeless romantic, 'yung mga naghihintay, 'yung mga hopeful. 'Yung mga naghihintay sa hindi mo alam kung darating, or darating ba ulit or kung darating pa ba," ani Pascual.

ADVERTISEMENT

Kasama ni Pascual sa bago niyang awitin si KZ Tandingan.

"I've always been a fan of KZ even before nung nagi-start pa lang siya, tapos nabigyan kami ng chance to do a song together. Ang sarap lang pakinggan, hindi ba? You get to collaborate with a really brilliant artist such as her na makikita mo talaga ang creativity niya sa pagkanta. So ninamnam ko rin 'yan," kuwento ni Pascual.

Maliban sa bagong awitin, magbabalik sitcom muli si Pascual sa "My Papa Pi" kung saan kasama niya sina Pepe Herrera at Pia Wurtzbach.

Bibida rin si Pascual sa Filipino adaptation ng sikat na South Korean series na "Flower of Evil" kasama naman si Lovi Poe.

Related videos:

Watch more in iWantv or TFC.tv
Watch more in iWantv or TFC.tv
Watch more in iWantv or TFC.tv
Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.