Atom inaming mapalad siyang makatrabaho si Mike de Leon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Atom inaming mapalad siyang makatrabaho si Mike de Leon

Atom inaming mapalad siyang makatrabaho si Mike de Leon

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Nagbahagi ng kanyang karanasan si Atom Araullo sa paggawa niya ng pelikulang "Citizen Jake" sa direksyon ni Mike de Leon.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Lunes, inamin ni Atom na mapalad siyang makatrabaho si de Leon.

"Si Direk Mike talagang sabihin natin ay very passionate sa kanyang filmmaking. Para sa mga nanonood ng pelikula at kilala siya ay alam kung gaano siya ka perfectionist at talagang uncompromising nga ano kung ano ang kanyang vision sa pelikula," ani Atom.

"Kami ni Direk Mike ay magkaiba kami ng personalities, so may mga times na may malalimang diskusyon. Pero actually ang dami ko talagang natututunan sa kanya. Alam kong napakaswerte kong makatrabaho siya," dagdag ni Atom.

ADVERTISEMENT

Si De Leon ay kilala sa kanyang mga pelikula tulad ng "Kisapmata," "Batch '81" at "Sister Stella L."

Sa naunang panayam, inamin ni Atom na nabigla siya nang ialok sa kanya ni De Leon ang "Citizen Jake."

Makakasama din ni Atom sa nasabing pelikula ang aktres na si Cherie Gil.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.