Ben&Ben inilabas ang bagong album na 'Pebble House Vol. 1: Kuwaderno'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ben&Ben inilabas ang bagong album na 'Pebble House Vol. 1: Kuwaderno'

ABS-CBN News

Clipboard

Retrato para sa bagong album ng bandang Ben&Ben na
Retrato para sa bagong album ng bandang Ben&Ben na 'Pebble House Vol. 1: Kuwaderno.' Retrato mula sa Instagram/@benandbenmusic

Inilabas nitong hatinggabi ng Linggo ng sikat na indie folk band na Ben&Ben ang kanilang ikalawang album na pinamagatang "Pebble House Vol. 1: Kuwaderno."

May 13 kanta ang album na isinulat ng mga miyembro ng banda. Kasama rito ang 4 na pre-release single na "Upuan," "Magpahinga," "Pasalubong" tampok si Moira dela Torre, at "Sugat" tampok ang bandang Munimuni.

Tampok din sa mga kanta sa album sina Chito Miranda, Juan Karlos Labajo, KZ Tandingan, Zild Benitez ng IV of Spades, at P-pop band na SB19.

Sa isang Twitter post bago ilabas ang album, sinabi ng bandang ibinuhos nila ang kanilang mga karanasan at iba pang emosyon para sa album.

ADVERTISEMENT

"We poured our collective experiences, our joy, our pain, our hearts in this sophomore album," sabi ng banda.

"We sincerely hope you listen to the stories told by each of the songs," dagdag nila.

"Sana may maidulot ito (album) sa inyong kahit konting pagtatanong, pagtataka, pagpaghahanap sa katotohanan, pagbabalik-tanaw, kahit konting ngiti, yakap, at ginhawa," sabi ng miyembro ng banda na si Toni Muñoz sa hiwalay na Twitter post.

Nakatakda namang maglabas ang banda ng music video ng "Upuan" tampok ang hit love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ngayong Linggo, alas-6 ng gabi.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.