Klarisse de Guzman, ibinahagi ang takot sa pagsubok na pinagdadaanan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Klarisse de Guzman, ibinahagi ang takot sa pagsubok na pinagdadaanan
ABS-CBN News
Published Sep 12, 2023 12:49 PM PHT
|
Updated Sep 12, 2023 03:39 PM PHT

MAYNILA -- "Natatakot ako na maiwan mag-isa."

Ito ang emosyonal na ibinahagi ng mang-aawit na si Klarisse de Guzman na patuloy na hinaharap ang takot dahil sa karamdaman ng kanyang mga magulang.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, hindi napigil ni De Guzman ang maiyak nang magkuwento tungkol sa kanyang mga magulang.

Ayon kay De Guzman, nasa tour siya sa ibang bansa nang isugod sa ospital ang kanyang ama.
Ayon kay De Guzman, nasa tour siya sa ibang bansa nang isugod sa ospital ang kanyang ama.
ADVERTISEMENT
Nakalabas ito matapos ang dalawang buwan sa ospital pero patuloy pa rin na nakikipaglaban sa kumplikasyon ng diabetes.

"As in ni-revive si Papa. Hindi ko alam ang gagawin ko sa ibang bansa. ... Ang ginawa ko pumunta ako sa CR, doon ako umiyak mag-isa. Hindi ko alam ang gagawin ko... Ang mama ko hindi rin naman okay. So ang hirap. Ang hirap ng pagsubok na 'yon," ani De Guzman.

"Actually until now hindi pa rin okay. Nakalabas na ang papa ko after two months but still ang dami pang kailangang gawin at nagda-dialysis siya three times a week ngayon. So sobrang hirap. Same din sa mama ko.
Pareho sila ng sakit. So sobrang hirap. Complication ng diabetes, so kidney ang tinamaan. Natatakot ako na maiwan mag-isa," dagdag ni De Guzman.

Pag-amin ni De Guzman, minsan ay kinukuwestiyon niya ang Diyos.

"Sabi ko nga minsan tinatanong ko si Lord. Sabi ko, 'Lord, isa-isa lang,'" ani De Guzman.
"Sabi ko nga minsan tinatanong ko si Lord. Sabi ko, 'Lord, isa-isa lang,'" ani De Guzman.
ADVERTISEMENT
May isang linggo na ang nakaraan nang maging emosyonal din si De Guzman sa "It's Showtime" dahil sa pinagdadaanang pagsubok ng pamilya.

Para sa kanyang kaarawan, hiling ni De Guzman ang paggaling ng kanyang mga magulang.

"Hiniling ko rin kay Lord na maraming-maraming time pa na makasama ko ang mga parents ko. More more birthdays na kasama ko sila. Lord, please heal them para na rin po sa akin," ani De Guzman.

Samantala, para naman sa kanyang kaarawan naging sorprera ang pagdating ni Mitoy Yonting na tinuturing niyang tatay-tatayan.

Ibinahagi rin ni De Guzman na nakatakda siyang maglabas ng bagong album.
Ibinahagi rin ni De Guzman na nakatakda siyang maglabas ng bagong album.
ADVERTISEMENT
"Actually nagre-recording po ako ng album ko, next album. ... Aabangan po nila 'yon kung ano pa ang mga ipapakita ko," ani De Guzman

Ngayong 2023, ipinagdiriwang din ni De Guzman ang kanyang 10 taon sa industriya matapos niyang sumali sa "The Voice Philippines."