ALAMIN: Paunang lunas sa taong nabaril

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paunang lunas sa taong nabaril

ABS-CBN News

Clipboard

Mainam na mabigyan agad ng tulong ang isang nabaril lalo na’t mahalaga ang bawat segundo para makaligtas.

Ayon sa emergency physician na si Richard Dimagiba, nakamamatay ang tama ng baril sa ulo, dibdib, at leeg.

“Sa brain siyempre ‘yan ang pinaka-control center natin. Kapag nawala siya, lights out,” paliwanag ni Dimagiba.

“Sa leeg, kapag napuruhan ka doon sa spinal cord, para mo na ring pinutol ‘yong ulo. Ang leeg kasi is a very small area. Aside from the spinal cord, marami siyang blood vessels na kapag natamaan, puwede kang mag-bleed.”

ADVERTISEMENT

“’Yong heart, kapag na-injure naman din siya, hindi na siya magpa-pump ng blood sa different parts of the body.”

Payo ng emergency physician, maaaring magbigay ng paunang lunas sa biktima habang naghihintay ng rescue o medical staff basta't gawin ito nang may ibayong pag-iingat.

“If you’re going to touch ‘yong blood and bloodily fluids, kailangan [ng] protection. Kailangan protektado ka rin,” banggit ni Dimagiba.

“Siguro plastic sa kamay na lang, just as long as you [do] not directly touch the blood or the fluids.”

Dagdag pa niya, huwag subukang hilahin o tanggalin ang bala kahit pa nakikita kung saan ito tumama.

ADVERTISEMENT

“Kung may nagpo-protrude [na bala], huwag niyong hihilahin. Do not remove the impaled object. Keep it there.”

Maaari kasing lalong dumanak ang dugo kung huhugutin ang bala. Dapat hayaang doktor ang gumawa nito.

Makatutulong din aniya na lagyan ng panyo ang tama ng bala upang umampat o mapigilan ang pagdurugo at huwag basta-bastang buhatin o galawin ang biktima.

“Try to minimize bleeding as much as possible,” ayon kay Dimagiba.

Maaari namang suriin ang kondisyon ng pasyente gamit ang ABC: airway, breathing at circulation.

ADVERTISEMENT

Importante aniya na maagapan o madala agad sa ospital ang pasyente dahil maaari siyang magkaroon ng hypovolemic shock kapag masyado nang maraming nawalang dugo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.