Kulot at Kelsey, ginaya ang eksena sa pelikulang ‘Ang Pulubu At Ang Prinsesa’ | It’s Showtime

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kulot at Kelsey, ginaya ang eksena sa pelikulang ‘Ang Pulubu At Ang Prinsesa’ | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Jun 12, 2024 04:12 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ngayong Independence Day, palayain ang sarili sa lungkot at i-celebrate ang good vibes kasama ang “It’s Showtime.” Isang ‘HOTaw’ performance ang hatid nina Coleen Garcia at Kapuso star Faye Lorenzo.

Kung kailangan mo ng something inspiring, panoorin ang pamimigay ni Cianne Dominguez ng blessing. Si Ate Charies, isa sa mga natulungan ni Cianne sa Ramdom Act of Kindness, doble ang happiness dahil natupad na ang pangarap n’yang makapunta sa “Showtime” studio at makita si Vice Ganda.

Samantala, all-out acting naman ang ibinigay nina Argus, Kulot, Jaze at Kelsey sa “Showing Bulilit.” Hindi kumpleto ang hulaan kung walang bardagulan. Pero ingat lang sa jokes na binibitawan, baka ang kakampi mo pa ang tamaan, ‘di ba, ‘Ate Girl’ Jackie Gonzaga? Si Kim Chiu naman, pabirong nag-sorry sa BFF na si Angelica Panganiban matapos magkamali sa title ng pelikula ni Angge.

Ang muse at escort ng klase, naging magkasintahan. Pero ang kanilang pagmamahalan, hindi na nag-move up at nauwi lamang sa hiwalayan. Alamin ang kwento nina Toneth at Gabbo sa “EXpecially For You.”

ADVERTISEMENT

Minsan ka rin bang naging taga-gawa ng assignment ni crush o ‘jowa’? Uy, siguradong relate ka sa experience ni Toneth. Wala naman s’yang reklamo. Para sa kanya, acts of service lang ang mga ito. Pero si Gabbo, naawa kay Toneth. Pakiramdam niya ay naging utusan na lang n’ya ang dating nobya, dahilan para makipag-break siya.

Ngayon ay graduate na si Toneth sa pagiging ‘sad girl.’ Ready na siyang makipag-date at magkaroon ng mga bagong kakilala. Malay natin, isa sa tatlong searchees ang nakatakda na makasama n’ya forever.

Magniningning na parang bituin ang mga estudyanteng palaban sa singing. Present sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown” ang pambato ng Tugbok National High School na si Yshara Cepeda. Mala-anghel n’yang boses, binigyang-kulay ang awitin na “Dito Ka Lang.”

Sumabak din sa ‘tanghalan’ si Silliman University student Jebros Maglinte. Sa pagkanta n’ya ng “Mercy” sa entablado, kuhang-kuha n’ya ang papuri ng mga hurado. Matapos ang laban sa kantahan, si Jebros ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina Erik Santos, Klarisse de Guzman, at Nyoy Volante. Pasok na siya sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

ADVERTISEMENT

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.