PASILIP: 'Lava-inspired' float para sa homecoming parade ni Catriona Gray
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PASILIP: 'Lava-inspired' float para sa homecoming parade ni Catriona Gray
ABS-CBN News
Published Feb 14, 2019 05:59 PM PHT
|
Updated Feb 14, 2019 08:45 PM PHT

Ipinasilip na ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ang bonggang "lava-inspired" na karosa na gagamitin sa homecoming parade ni Miss Universe 2018n Catriona Gray sa susunod na linggo.

Engrande ang disenyo ng float na may sukat na 9x30 feet. Gagamitin ito sa parada sa Metro Manila na nakatakda sa Pebrero 21.

Sunod ito sa kulay ng red hot lava gown ni Gray na suot niya nang koronahan siya sa Bangkok, Thailand noong Disyembre.

May detalye din ang float na hango sa Mikimoto crown ng Miss Universe Organization.
May detalye din ang float na hango sa Mikimoto crown ng Miss Universe Organization.
ADVERTISEMENT
Karangalan naman para kay Fritz Silorio na mapili muli na gumawa ng float lalo't siya rin ang nagdisenyo sa karosang ginamit ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Samantala, ipinasilip naman ng designer na si Mak Tumang ang hinahanda niyang apat na Filipinianang kasuotan para kay Gray.

Kabilang dito ang burdadong green and cream na wardrobe at ang coral pink na damit. Wala daw gowns at puro pantsuits ang isusuot ni Gray.

Handa na rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ruta ng parada na babaybayin ang kahabaan ng Roxas Boulevard, Taft Avenue, Buendia, at Ayala Avenue.

Sanib-puwersa ang MMDA at pulisya dahil inaasahan nilang dadagsain ang parada.
Sanib-puwersa ang MMDA at pulisya dahil inaasahan nilang dadagsain ang parada.
ADVERTISEMENT
"We will assure the safety and security of everyone, at dapat matapos kami on time," ani Teroy Taguinod, MMDA head of traffic discipline.

Sa kaniyang Instagram post, inihayag ni Gray na excited na siyang umuwi pansamantala sa Pinas.

"I am so excited for the looks my team is creating for my homecoming! Counting down the days I'll be home," sabi ni Miss Universe.

Tampok din sa homecoming ni Gray ang bonding time sa mga bata ng Young Focus, Operation Smile, at iba pang charity houses.

— Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
Miss Universe
Catriona Gray
parade
Binibining Pilipinas
TV Patrol
Mario Dumaual
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT