RECIPE: Relyenong pusit

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Relyenong pusit

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naghahanap ng masustansiyang pagkain na lulutuin sa susunod na handaan?

Maaari kang maghain ng relyenong pusit, na taglay ang iba't ibang lasa dala ng samu't saring sangkap na isinisiksik dito.

Bumisita sa programang "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang Guest Kusinera na si Get Hao para ibahagi kung paano magluto ng relyenong pusit.

Narito ang mga sangkap
• 1 kilong pusit
• 1/2 kilong giniling na baboy or manok
• 1/2 cup ham
• 6 pcs. Bawang
• 3 sibuyas
• 1 tasa carrots
• 1/2 tasa bell pepper
• 3 kalamansi
• 3 kutsara toyo
• 2 kutsara asukal puti
• 1 1/2 tasa tomato sauce
• 1/2 tasa all-purpose cream
• 1/2 tasa liver spread
• Asin
• Paminta
• Mantika

ADVERTISEMENT

Hugasan ang pusit hiwalay ang ulo, tanggalin ang mata, ngipin at laman-loob

Ibabad ang pusit sa toyo, kalamansi, paminta at asukal. Itabi.

Hiwain nang maliliit ang ulo ng pusit

Igisa sa mantika ang bawang, sibuyas at giniling. Timplahan ng asin at paminta na naaayon sa inyong panlasa.

Kapag luto na isunod ang hiniwang ulo ng pusit, takpan

ADVERTISEMENT

Ilagay ang carrot, bell pepper, liver spread at ham.

Lutuing mabuti at palamigin.

Ipalaman sa pusit ang nilutong giniling at isara ang pusit gamit ang toothpick

Igisa sa mantika ang sibuyas, natirang giniling at pusit na may palaman. Takpan sandali.

Isunod ang paglagay ng tomato sauce at all-purpose cream.

ADVERTISEMENT

Hayaang maluto sa mahinang apoy.

Tikman at timplahan ng asin, paminta at asukal. Ihain.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.