Sumpa o sakit? Mga miyembro ng pamilya sa Pangasinan nabubulag

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sumpa o sakit? Mga miyembro ng pamilya sa Pangasinan nabubulag

ABS-CBN News

Clipboard

Isang pamilya sa bayan ng Manaoag, Pangasinan ang dinapuan ng kakaibang kondisyon dahil 30 miyembro mula sa 5 henerasyon ng kanilang angkan ay nabulag.

Ayon kay Teofilo “Pilo” Ibañez, na sa edad 77 ay pinakamatandang bulag sa pamilya, ikinuwento ng kaniyang tatay Marcial na nagsimula raw sa kaniyang lolo Ezekiel ang pagkabulag nilang mag-anak.

Noong binata pa raw si Ezekiel, nahuli ito ng kaniyang tiyahin na kumupit ng pera, kuwento ni Teofilo sa panayam ng programang “Rated K.”

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pero nang kumprontahin ng tiyahin, ayon kay Teofilo, todo-tanggi si Ezekiel at nanumpa pa sa ngalan ng kaniyang pamilya na mabulag man sila ay hindi siya nangupit ng pera.

ADVERTISEMENT

“Simula noon, hindi nagtagal, ‘yong lolo (Ezekiel) ko nabulag,” ani Teofilo.

Mula noon ay unti-unti nang nabubulag ang mga miyembro ng pamilya Ibañez.

Ikinuwento ni Teofilo na noong una ay hindi siya naniniwalang mabubulag siya hanggang sa masangkot sa away sa isang lalaking nilait ang kaniyang pamilya.

Nakipagsuntukan umano si Teofilo sa lalaki pero siya ang napuruhan sa kaliwang mata. Mula raw noon ay nagsimula nang lumabo ang kaniyang mata.

Para malutas ang problema sa pagkabulag, iniluwas ng “Rated K” mula Pangasinan ang mga batang miyembro ng pamilya para ipatingin sa mga espesyalista sa Maynila.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pediatric ophthalmologist na si Michelle Lingao, ang mga miyembro ng pamilya Ibañez ay nakararanas ng uri ng glaucoma na namamana.

Ang glaucoma ay sakit sa mata bunsod ng pagtaas ng presyon sa loob nito, na humahantong sa unti-unting pagkabulag.

“Maaaring maipasa ito from one generation to the next,” ani Lingao.

Isang Pinoy na doktor mula Harvard Medical School, si Ryan Collantes, ang nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa pagkabulag ng pamilya.

“Mayroon po silang genetic mutation na ang epekto [ay] tumataas ang presyon ng kanilang mata. Dahil dito, nagkakaroon sila ng glaucoma at nabubulag sila bago pa man umabot ng 40 anyos,” ani Collantes.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, binigyan muna ang mga bata – na nagsisimula nang lumabo ang mga mata – ng pampatak sa mata at sinukatan ng salamin.

Wala pang gamot sa glaucoma pero mapababagal ang epekto nito sa pamamagitan ng mga pamatak sa mata at surgery o operasyon.

Sa mga nais tumulong sa pamilya, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng “Rated K” sa numerong (02) 3415-2272 local 5466 o mag-email sa ratedkofficial@gmail.com.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.