Paano nililikha ang mga imahen ng mga santo? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano nililikha ang mga imahen ng mga santo?
ABS-CBN News
Published Mar 30, 2018 11:02 AM PHT

Higit apat na dekada nang hanapbuhay ng pamilya Estonactoc ang paglililok ng mga imahen ng mga santo.

Sinimulan ito ng padre de pamilyang si Reynaldo nang itayo ang tindahang Our Lady of Hope Religious Images sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City. Ngayon, ang kaniyang mga anak na ang namamahala nito.

Hindi biro ang maglilok ng mga imahen dahil kinakailangan dito ang pagiging mabusisi sa detalye.

Sa programang "Umagang Kay Ganda," ibinahagi ni Raymundo Estonactoc ang mga hakbang sa pagbuo ng mga imahen mula sa troso.

Unang ginuguhitan ang punongkahoy ng outline o balangkas na magsisilbing gabay sa larawang nais ukitin.

"Kunyari sa ulo, susukatin mo iyong bawat sukat nung ulo saka mo uukitin," sabi ni Raymundo.

Batikuling aniya ang pinakamagandang uri ng troso na maaaring gamitin sa paglilok ng mga imahen.

"Di siya nabubukbok, di siya inaanay, hindi rin siya nasusunog," paliwanag ni Raymundo. "Pinaka-outer lang iyong nasusunog diyan pero 'yong pinakaloob, hindi."

Matapos maukit ang balangkas ay sunod namang uukitin ang bawat detalye ng imahen, tulad ng hugis ng mukha o mga kasuotan.

"Idedetalye mo lang iyong mga damit... so kung may mga tupi [iyong damit], laliman mo [ang ukit]," ani Raymundo.

Matapos ang mabusising pag-ukit ay nililiha ito para kuminis ang imahen.

Kapag makinis na ay pipinturahan na ito at nilalagyan ng mga natitirang aksesorya gaya ng mga artificial na mata.

-- May ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
sining
Semana Santa
carving
wood carving
religious images
imagen
santo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT