‘Pasaporte’ ilulunsad sa Taytay, Palawan, sa muling pagbubukas ng turismo
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Pasaporte’ ilulunsad sa Taytay, Palawan, sa muling pagbubukas ng turismo
Lynette dela Cruz,
ABS-CBN News
Published Jul 14, 2020 11:15 PM PHT

TAYTAY - Ang bayang ito ang tinaguriang La Estrella del Norte, o Star of the North, sa Palawan.

Umuusbong ang turismo dito at unti-unti nang natutuklasan ang ganda ng lugar.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Taytay, hindi mapipigil ang turismo sa gitna ng pandemya, lalo't naghahanda na ang Department of Tourism (DOT).

Kaya sa napipintong pagbubukas muli ng turismo sa Taytay ay handa na rin silang ipatupad ang mga bagong panuntunan na tiyak swak din sa new normal.

Maglulunsad sila ng "pasaporte." Kapag magbabayad ng conservation and sustainable tourism fee ang turista, pasaporte ang kapalit.

Sa 26 na pahinang pasaporte, nakasaad ang lahat ng mahalagang impormasyon sa Taytay na kailangan ng mga bisita gaya ng tourist destinations.

Dito na rin ang lahat ng mahalagang contact numbers, listahan ng accommodations at restaurants.

Magiging madali rin ang identification ng lehitimong turista, monitoring ng tourist arrivals, pati na ang contact tracing kaugnay ng COVID-19.

Sa lahat ng tourist sites na pupuntahan ay isa-scan na lang ang passport at lalagyan ng stamp.
Sa lahat ng tourist sites na pupuntahan ay isa-scan na lang ang passport at lalagyan ng stamp.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Joie Matillano, municipal tourism officer ng Taytay: "Itong pasaporte na ito kumbaga multifunctional. Proof mo na nagbayad ka ng sustainable tourism fee, brochure ng Taytay at the same time dahil mayroon itong coupled na app ibig sabihin lalagyan din namin siya ng QR code 'yung passport. Halimbawa pumunta ka ng Taytay at mag-a-island hopping ka pagdating mo du'n sa destination, 'yung gagawin na lang ng nagbabantay du'n is to scan 'yung passport mo. Hindi mo na kailangan mag-log in. So, sa age ng COVID-19 actually, we're minimizing 'yung contact din between tourists at saka dun sa mga staff natin,"

Good news din dahil kapag napuntahan lahat ng destinations na nasa pasaporte ay may matatanggap na regalo bilang certified Taytay adventurer.

Kaya tiyak umano na pahahalagahan ng mga bisita at gagawing souvenir ang pasaporte.

Paglilinaw ng munisipyo, hindi passport ang babayaran, kundi patunay lang ito na nagbayad ka ng conservation and sustainable tourism fee na isasapinal pa lang ang halaga kasama na ang validity nito.

" 'Yung validity sa locals, sa residents ng Palawan, we're looking at making it longer para ma-encourage talaga 'yung mga local tourist natin to travel. And then for foreign depende pa. Tinitingnan namin but definitely ang napag-usapan during the last meeting with the tourism stakeholders is 6 months ang validity," ani Matillano.

Ang konsepto ng "pasaporte" ay mula sa Municipal Tourism Office ng Taytay na sinimulan noong Disyembre 2019.

Hindi na maaabala ang mga bisita at mae-enjoy pa ang naggagandahang sites.

Sa mainland Taytay, puwedeng pasukin ang Fuerza Santa Isabel de la Paragua na dating kuta sa panahon ng mga Kastila. Puwede ring magpalamig sa 3 pool ng Kuyawyaw falls.

Mag-relax sa Lake Manguao na isa sa mga key biodiversity spots sa Palawan at tinuturing na isa sa most biologically important lakes sa bansa.

Dito kasi makikita ang 136 species ng ibon -- na tinatayang 14 ang endemic dito -- 29 na species ng mammals, 12 species ng isda at 3 dito ay endemic.

Puwede ring mag-tour sa Malampaya sound na tahanan ng rare Irawaddy dolphins.

Kung atraksiyon naman sa mga isla ang pag-uusapan, nariyan ang Pabellon Lagoon, mga taklobo sa Tecas Island, corals sa Nabat Island, mga pawikan sa Debangan Island at world class na mga resort.

Read More:
Regional news
Tagalog news
Pasaporte Taytay Palawan
Taytay Palawan tourism COVID-19
Taytay Palawan tourism coronavirus
Taytay Palawan tourism reopening
Taytay Palawan tourists pasaporte
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT