Hallyu and I: Sa likod ng 'Korean wave'
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hallyu and I: Sa likod ng 'Korean wave'
ABS-CBN News
Published Aug 20, 2018 08:06 PM PHT

Saan man tayo pumunta, naglipana na ang iba't ibang Korean restaurants. Sa mga mall, dikit-dikit na rin ang mga tindahan ng Korean beauty products. At, siyempre pa, hindi puwedeng mawala sa listahan ang mga popular na K-dramas at K-pop stars.

Ang lahat ng ito ay maisasailalim sa tinatawag na "hallyu" o "Korean wave" na tumutukoy sa impluwensiya ng kultura ng South Korea sa Pilipinas at ibang bahagi ng mundo.
'Right in the feels'

Bunsod ng samot-saring sikat na mga television drama ng South Korea, nagkakaroon ng malalim na interes ang mga Pilipino rito.

Ayon sa direktor na si Viktor Villanueva, hindi nalalayo ang tema ng mga K-dramas sa mga ipinapalabas at napapanood na mga teleserye sa Pilipinas.

"Technically same lang like palaban na girl versus rich guy, poor versus rich, gano'n. Even 'yong mga historical drama nila, it's about 'yong mga who's in power," paliwanag ni Villanueva, na nagsanay sa ilalim ng mga Koreanong direktor at producer ng pelikula.

“And aside from that, the lead actors and actresses, they're beautiful, even ‘yung lalaki, beautiful. So may ginawa siyang appeal.” dagdag niya.

#KpopIsLife
Bukod sa relatable K-dramas, kinahuhumalingan din ng mga Pilipino ang ilang K-pop stars.

Ayon kay Pamela Jacar ng Korea Research Center, marami ang napapahanga sa K-pop dahil bawat grupo ay mayroong "distinct flavor."
"Mayroon silang sariling category. For example, kung gusto nilang hip hop, magko-concentrate talaga 'yung isang group sa hip hop. Tapos may mga pop, rap, jazz, at soul," ani Jacar, na isa ring proud K-pop fan mula pa noong 2009.

"Ito 'yung ikinaganda ng K-pop. Kung ano ang gusto ko, kung ano ang kinahihiligan ko, mayroon akong mapipili. May choices ka," dagdag pa niya.

Na-K-katakam
Pagdating naman sa mga kainan, hindi mawawala sa mga pagpipilian ang Korean cuisine.

Marami raw ang pagkakatulad ng Korean food sa panlasang Pinoy kaya tayo nahihilig dito, ayon kay Sydney Bata, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas.

Nakapangasawa si Bata ng isang Koreana at mayroon silang Korean restaurant business.

“Yung ‘japchae’, may similarities sa atin kasi para siyang pancit canton, so medyo similar. Tapos, yung ‘bibimbap’ o parang fried rice, it’s very Filipino dahil gusto ng mga Pinoy ang fried rice,” sabi ni Bata.

'Korean glow'
Marami ang naiinggit sa ganda ng kutis ng Korean celebrities, lalo noong nag-viral ang isang video tungkol sa tinatawag na "glass skin."

Mula noon, lalong tinangkilik ng mga Pilipino ang skin care at beauty products ng South Korea.

“The Korean beauty philosophy focuses more on the hydration of skin. Because their climate is cold, the Koreans really add many layers of hydration,” sabi sa panayam ni Justin Kiness, isang K-beauty enthusiast.

Ang paraan na ito ay tinatawag na “moisture layering,” o ang proseso ng paggamit ng higit sa limang skin care products.

“Tayo kasing mga Pilipino, iniisip natin na kapag sobrang dami nating nilalagay sa mukha natin, masyado na siyang mabigat especially with our weather na sobrang init. The reason why you are oiling up is your dehydrated skin. What your skin does is it produces oil to compensate for the lost moisture,” dagdag ni Kiness.

Iilan lamang ang mga dahilan na ito sa patuloy na pagbibigay-saya ng "hallyu" sa mga Pinoy.
Iilan lamang ang mga dahilan na ito sa patuloy na pagbibigay-saya ng "hallyu" sa mga Pinoy.
ADVERTISEMENT
Para maging updated sa mga dokumentaryo ng ABS-CBN, i-follow na ang @DocuCentral sa Facebook, Instagram, at Twitter.