ALAMIN: Tips sa pagpili, paggamit ng toothbrush
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Tips sa pagpili, paggamit ng toothbrush
ABS-CBN News
Published Aug 25, 2019 03:14 PM PHT

Mayroon nga bang sipilyong maituturing na "the one" para sa gagamit nito?

Sa pagpili ng sipilyo, dapat isaalang-alang kung gaano karami ang dumi na nasa ngipin ng isang tao, ayon sa dentista na si Dr. George Asia.

Mayroon kasi umanong 3 klase ng sipilyo na maaaring gamitin depende sa dami ng dumi sa ngipin.

Ayon kay Asia, kapag maraming dumi ang ngipin, mainam ang pagbili ng hard-bristle toothbrush pero kapag kaunti ay medium-bristle toothbrush lamang.

Light o soft-bristle toothbrush naman ang maaaring gamitin kung "hindi naman gaanong maraming-marami" ang dumi, ayon kay Asia.

Mahalaga rin daw suriin kung non-slip ang hawakan ng toothbrush para hindi ito dumulas o mabitawan habang ginagamit.

Mainam din ang sipilyong may tongue cleaner dahil bukod sa mga ngipin, kailangan ding linisin ang dila, sabi ni Asia.

"Ang dila kasi may natitira pa rin diyan lalo 'yong mga mamantikang pagkain, dumidikit 'yan sa dila, dapat inii-scrape 'yan," ani Asia.

Sapat na umano ang pagsisipilyo na hindi lumalagpas sa 5 minuto.
Sapat na umano ang pagsisipilyo na hindi lumalagpas sa 5 minuto.
ADVERTISEMENT
Ipinayo rin ni Asia ang pagpapalit ng sipilyo kada 3 buwan.

"Kasi nag-accumulate ng bacteria kapag sobrang tagal na ng toothbrush," paliwanag ni Asia.

Maaari raw pagmulan ng gingivitis o impeksiyon sa gilalid ang mga sipilyong may bakterya.

Ang masyadong madiing pagsisipilyo naman daw ay nagdudulot ng pagbaba ng gilagid mula sa mga nigpin.