'Harvest eclipse,' nasilayan ng mga Pinoy | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Harvest eclipse,' nasilayan ng mga Pinoy

April Rafales,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 17, 2016 04:43 PM PHT

Clipboard

Penumbral eclipse as seen at 2:42am, Sept. 17, 2016 in Quezon City. Angie de Silva, ABS-CBN News

MANILA – Nagsimulang masilayan ang penumbral lunar eclipse sa Pilipinas kaninang 1:52 ng umaga.

Ayon sa weather specialist ng PAGASA na si Allan Alcaraz, ito ay natural na phenomenon kung saan nagrerealign ang planeta, ang araw at ang buwan.

Pero hindi gaanong makikita ang pagbabago sa hitsura ng buwan dahil sabi niya ay nasa mas maliwanag na parte ng anino ang eclipse.

Pero may tila halo o ring sa paligid ng buwan, na reflection umano ng mga crystal-like substances sa ulap na nagpapakitang masama ang panahon at nagbabadya ng pag-ulan.

ADVERTISEMENT

Nagtagal ang eclipse ng dalawang oras at natapos kaninang 2:57 ng umaga.

Masisilayan ulit ang ganitong phenomenon sa Pilipinas sa taong 2020.

Magkakaroon pa ng ibang lunar eclipse sa loob ng apat na taon, pero matatapat na umaga sa Pilipinas kaya hindi ito masisilayan sa bansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.